504 total views
Tuluyan ng ibinasura ng 16th Congress ang House Bill 5842 na naglalayong taasan ng P2,000 across the board ang buwanang pension na natatanggap ng SSS pensioners na nauna na ring bineto ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, na isa sa mga pangunahing may akda ng naturang panukala ay umaasa na lamang sila kay President elect Rodrigo Duterte na siya mismo ang maglalabas ng executive order upang hindi na ito maipit pa sa kongreso at senado.
Tiwala naman si Zarate sa bagong pamunuan na susuportahan ito dahil alam mismo ni Duterte ang paghihirap na nararanasan ng mga senior citizens. Patuloy naman silang gagawa ng panibagong panukala sa 17th congres na magbibigay kasiguruhan sa mga SSS pensioners.
“Amin ring inaasahan dahil sinusuportahan naman ito ng susunod na administrasyon ni Pangulong Digong Duterte na siya mismo for example an executive order ay ipapatupad niya ang P2,000 dagdag pension sa ating mga pensioners. Pwedeng kabahagi ito ng pag–re bump sa pamunuan ng SSS lalo na ang board ng SSS na ang mga members naman nito ay magiging appointees ng darating na pangulo. The new SSS board on its own moto propio they can implement the increase na hinihingi ng ating mga pensioners. But on our part ire–refile namin ito sa kongreso sa pagbubukas ng 17th congress,” bahagi ng pahayag ni Zarate sa panayam ng Veritas Patrol.
Idinetalye naman ni Zarate na sa kasalukuyang P1200 buwanang pension na natatanggap ng senior citizens ay tanging P44 na piso lamang ang katumbas nito kada araw habang P110 lamang ang itataas nito sakaling na – aprubahan sana ang P2 libo across the board incease.
“The minimum pension na tinatanggap ng ating mga pensioners ay nasa P1200 a month lang or P44 pesos a day. Sino ang mabubuhay sa P44 na piso kada araw samantalang ang itinatayang pangangailangan ng isang senior citizen kada araw ay P1088 pesos a day napakalayo ng P44 pesos a day at ang panukalang dagdag P2000 pension kada buwan ay pumapatak lamang ng P66 pesos a day so kung idadag mo ito sa minimum P44 pesos a day ay mahuhulog lamang na P110 pesos a day kulang na kulang pa rin ito sa pangangailangan ng mga senior citizen,” giit pa ni Zarate sa Radyo Veritas.
Batay sa datos ng SSS nasa kabuoang 4 na milyon lamang mula 2010 ang naidagdag sa bilang ng mga miyembro nito.
Nauna na ring binigyang pagpapahalaga ng kanyang kabanalan Francisco ang mga matatanda sa lipunan sapagkat sila ang kayamanan ng kasaysayan.