4,105 total views
Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Roma 6, 19-23
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6
Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.
Lucas 12, 49-53
Thursday of the Twenty-ninth Week in Ordinary TimeΒ (Green)
UNANG PAGBASA
Roma 6, 19-23
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid, nagsasalita ako sa karaniwang paraan para madali ninyong maunawaan. Kung paanong ipinailalim ninyo ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, ngayon namaβy ihandog ninyo ang inyong sarili sa katuwiran sa ikapagiging-banal ninyo.
Noong alipin pa kayo ng kasalanan, hindi kayo saklaw ng katuwiran. Ngunit ano nga ang napala ninyo sa mga bagay na iyon na ikinahihiya ninyo ngayon? Ang kinauuwian ng mga ito ay kamatayan. Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at mga alipin na ng Diyos, ang natamo ninyoβy kabanalan at ang kauuwiaβy buhay na walang hanggan. Sapagkat kamatayan ang kabayaraan ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6
Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.
Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payoβt maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhikaβy
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.
Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.
Ang katulad niyaβy isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang dahoβt laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.
Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.
Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siyaβy natatangay at naipapadpad kung hangiβy umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang sβyang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.
Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.
ALELUYA
Filipos 3, 8-9
Aleluya! Aleluya!
Tanaβy aking tatalikdan
upang si Kristoβy makamtan
bilang tanging pakinabang.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 12, 49-53
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, βNaparito ako upang magdala ng apoy sa lupa β at sanaβy napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hanggaβt hindi natutupad ito! Akala ba ninyoβy pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.
Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki,
Ang ina at ang anak na babae,
At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Maaaring dumating sa atin ang mga pagsubok at mga suliranin. Subalit bunga ng ating buong pagtitiwala sa kalooban ng Diyos Ama, patuloy tayong nananalig na hindi siya magkukulang sa kanyang pangako.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin mong karapat-dapat ang aming buhay sa iyo, O Panginoon.
Ang mga pinuno ng Simbahan na hayagang inuusig nawaβy mabigyan ng tapang at lakas upang manatili sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga magulang nawaβy magkaroon ng lakas at tapang na patnubayan ang kanilang mga anak sa pamamaraan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pamilya at mga komunidad na pinaghihiwalay ng pagkakaiba ng relihiyon nawaβy matagpuan ang katotohanan at magpakita ng paggalang sa isaβt isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga may kapansanan nawaβy tumanggap ng pag-ibig at pagkalinga mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.
Yaong mga namayapa nawaβy maging maligaya magpakailanman sa Kaharian ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga paghihirap. Kalingain mo kami sa aming mga sakit at bigyang lakas kami upang laging makatugon nang may pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.