Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, ENERO 31, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,082 total views

Paggunita kay San Juan Bosco

Hebreo 12, 1-4
Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32

Magpupuri kailanpaman
ang tinawag ng Maykapal.

Marcos 5, 21-43

Memorial of St. John Bosco, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 12, 1-4

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, yamang naliligid tayo ng makapal na saksi, iwaksi natin ang kasalanan, at ang anumang balakid na pumipigil sa atin, at tayo’y buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan. Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos.

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang paglaban ng mga makasalanan upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. Hindi pa humahantong sa pagdanak ng iyong dugo ang pakikitunggali ninyo sa kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32

Magpupuri kailanpaman
ang tinawag ng Maykapal.

Sa harap ng masunuring mga lingkod mong hinirang,
ang handog na panata ko ay doon ko iaalay.
Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop,
aawit ng pagpupuri ang sa Diyos ay dudulog;
buhay nila ay uunlad, sasagana silang lubos.

Magpupuri kailanpaman
ang tinawag ng Maykapal.

Sa dakilang Panginoon, ang lahat ay magbabalik,
ang lahat ng mga lahi ay sasambang may pag-ibig.
Mangangayupang lahat ang palalo’t mayayabang,
ang lahat ng mga tao ay yuyuko sa Maykapal,
ang narito sa daigdig na nilikhang mamamatay.

Magpupuri kailanpaman
ang tinawag ng Maykapal.

Maging lahing susunod pa ay sasamba’t maglilingkod,
ay mayroong mangangaral sa kanila tungkol sa Diyos.
Sa lahat ng sisilang pa’y ganito ang ihahayag,
“sa hinirang niyang bansa ay Panginoon ang nagligtas.”

Magpupuri kailanpaman
ang tinawag ng Maykapal.

ALELUYA
Mateo 8, 17

Aleluya! Aleluya!
Inako ni Hesukristo
ang sakit ng mga tao
upang matubos n’ya tayo!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 5, 21-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, muling tumawid si Hesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, nakasakay sa bangka. Nasa baybay pa siya ng lawa ay pinagkalipumpunan na siya ng maraming tao. Dumating ang isang lalaking nagngangalang Jairo, isang tagapamahala ng sinagoga. Pagkakita kay Hesus, siya’y nagpatirapa sa kanyang paanan, at ang samo: “Agaw-buhay po ang anak kong dalagita. Kung maaari, sumama kayo sa akin at ipatong ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya’y gumaling at mabuhay!” Sumama naman si Hesus. At sinundan siya ng napakaraming taong nagsisiksikan, anupa’t halos maipit na siya.

May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo, at lubhang nahihirapan. Marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya, at naubos na sa kapapagamot ang kanyang ari-arian, ngunit hindi siya napabuti kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha. Narinig niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Hesus, kaya’t nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Hesus. At hinipo niya ang damit nito. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” Biglang tumigil ang kanyang pagdudugo at naramdaman niyang magaling na siya. Naramdaman naman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya’t bumaling siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humipo sa akin?” Sumagot ang kanyang mga alagad, “Nakikita po ninyong nagsisiksikan ang napakaraming tao, bakit itinatanong ninyo kung sino ang humipo sa inyo?” Subalit patuloy na luminga-linga si Hesus, hinahanap ang humipo sa kanya. Palibhasa’y alam ng babae ang nangyari, siya’y nanginginig sa takot na lumapit kay Hesus, nagpatirapa, at ipinagtapat ang buong katotohanan. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban. Lubusan ka nang magaling sa iyong karamdaman.”

Samantalang nagsasalita pa si Hesus, may ilang dumating mula sa bahay ni Jairo. “Patay na po ang anak ninyo,” sabi nila. “Bakit pa ninyo aabalahin ang Guro?” Hindi pinansin ni Hesus ang kanilang sinabi, sa halip ay sinabi sa tagapamahala, “Huwag kang mabagabag, manalig ka.” At wala siyang isinama kundi si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan. Nang dumating sila sa bahay ng tagapamahala, nakita ni Hesus na gulung-gulo ang mga tao; may mga nananangis pa at nananaghoy. Pagpasok niya ay kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nananangis? Hindi patay ang bata; natutulog lamang!” Ngunit pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas niya ang lahat, maliban sa ama’t ina ng bata at sa tatlong alagad, at sila’y pumasok sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talita kumi,” na ang ibig sabihi’y “Ineng, sinasabi ko sa iyo, magbangon ka!” Pagdaka’y bumangon ang bata at lumakad. Siya’y labindalawang taon na. At namangha ang lahat. Mahigpit na ipinagbilin ni Hesus na huwag ipaalam ito kaninuman; at iniutos niyang bigyan ng pagkain ang bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Kalakip ang buong pananalig habang nananalangin tayo nang may pananampalataya sa Diyos Ama na tutugunin niya ang ating mga mithiin nang may nag-uumapaw na kabutihang-loob, iluhog natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng buhay, akayin Mo kami.

Ang Simbahang Katolika sa buong daigdig nawa’y maging simbolo ng nagpapagaling na gawain ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang pag-aaruga sa mga may karamdaman sa pangangatawan, isip, at diwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y makilahok at makiisa sa mga nagnanais na mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng ating kapaligiran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor at mga nars, at yaong mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y maipakita nila ang habag at kahinahunan ni Kristo sa pangangalaga lalo na sa mga maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang siyensya sa panggagamot nawa’y dagling makatagpo ng lunas sa mga di-karaniwang karamdaman na nagiging hadlang sa mga nagdurusa nito upang magkaroon sila ng isang ganap at aktibong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa kamatayan ng kanilang anak nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa habag ng aming mananakop, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kami na patuloy na manalig sa iyo at sumampalataya sa nagpapagaling na kapangyarihan ng iyong Anak na siyang naghihilom ng aming mga sugat sa buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 13,560 total views

 13,560 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 22,270 total views

 22,270 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 31,029 total views

 31,029 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 39,422 total views

 39,422 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 47,439 total views

 47,439 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 6,015 total views

 6,015 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 6,163 total views

 6,163 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 6,749 total views

 6,749 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 6,933 total views

 6,933 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 7,258 total views

 7,258 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 5,881 total views

 5,881 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 6,378 total views

 6,378 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 6,176 total views

 6,176 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 6,329 total views

 6,329 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 6,573 total views

 6,573 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 6,781 total views

 6,781 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 6,648 total views

 6,648 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 6,769 total views

 6,769 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 7,018 total views

 7,018 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 7,162 total views

 7,162 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top