4,026 total views
Miyerkules ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Roma 6, 12-18
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Lucas 12, 39-48
Wednesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
Roma 6, 12-18
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid, huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang mamamatay upang hindi na kayo maalipin ng masasamang pita nito. Huwag ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay at muling binuhay at ihandog sa kanya ang buo ninyong pagkatao bilang kasangkapan ng katuwiran. Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, yamang kayoโy wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos.
Ngayon, gagawa ba tayo ng kasalanan dahil sa wala na tayo sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos? Hindi! Alam ninyong kapag kayoโy napailalim kaninuman bilang alipin, alipin nga kayo ng inyong pinapanginoon โ mga alipin ng kasalanan at ang bunga nitoโy kamatayan, o mga alipin ng Diyos at ang bunga nitoโy pagpapawalang-sala. Ngunit salamat sa Diyos sapagkat kayong dating mga alipin ng kasalanan ay naging masunurin sa aral na tinanggap ninyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at ngayoโy mga alipin na ng katuwiran.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Ano kayaโt di pumanig sa atin ang Panginoon;
O Israel, ano kaya ang sagot sa gayong tanong?
โKung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kamiโy salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Maaaring kami nooโy natangay na niyong agos,
naanod sa karagataโt tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos nooโy nalunod nga kaming lubos.
Tayo ay magpasalamat, ang Poon ay papurihan,
pagkat tayoโy iniligtas sa malupit na kaaway.
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Ang katulad natiโy ibong sa bitag ay nakatakas;
lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupaโt langit tanging siya ang lumikha.โ
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44
Aleluya! Aleluya!
Tayo ay laging magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 12, 39-48
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โTandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo maโy dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.โ
Itinanong ni Pedro, โPanginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?โ Tumugon ang Panginoon, โSino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, โMatatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,โ at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat.
โAt ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa. Ngunit ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Manalig tayo sa Diyos Ama habang inilalahad natin sa kanya ang ating mga pangangailangan at mga pagkabalisa sa buhay.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Bigyang-lakas mo kami sa aming paglilingkod sa iyo, Panginoon.
Ang Simbahan nawaโy magpakita ng malalim na pananampalataya sa Diyos na nagpapatnubay sa pangdaigdigang kaganapan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno at manggagawa ng gobyerno nawaโy maging tapat sa kanilang tungkulin at maging laging handang magbigay sulit ng kanilang gawain hindi lamang sa tao kundi lalo na sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataan nawaโy maging matiyaga sa gawain at pag-aaral at manatiling umaasa sa isang magandang kinabukasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naghihingalo nawaโy tumingin kay Kristo nang may pag-asa at nagbabalik-loob na pananalig, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawaโy magdiwang magpakailanman sa kaganapan ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, sa iyong karunungan, nalalaman mo ang oras at ang araw. Huwag mo nawang hayaang maging sarado ang aming mga puso sa iyong pagdating sanhi ng aming pinagkakaabalahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.