Protect life and defend family, itataguyod ng Prolife Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,223 total reads

Patuloy na isusulong ng Prolife Philippines Foundation ang mga hakbang na magpapatatag sa buong sambayanan.

Sa ginanap na march for life sinabi ni Prolife President Bernard Canaberal na nakatuon sa pagpapatibay ng pundasyon ng lipunan ang mga gawain ng grupo tulad ng: ‘Uphold life; Defend the Family; Restore Humanity, at; Stand for Peace.’

Binigyang diin ng opisyal na mahalagang itaguyod ang buhay sapagkat ito ay natatanging biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Kasabay nito ang pagbibigay proteksyon sa bawat pamilya dahil ito ang pinakamaliit na yunit ng lipunan subalit napakalaki ang responsibilidad sa pagbuo ng isang mapayapa at maayos na pamayanan.

“To protect and fight for the family dahil sa pamilya nagmumula ang lahat, ang edukasyon, ang simbahan, ang paaralan nasa pamilya lahat at sa pamilya nangyayari ang pinakamatinding labanan,” pahayag ni Canaberal sa Radio Veritas.

Batid ni Canaberal na dapat pahalagahan ng tao ang bawat biyayang ipinagkaloob ng Panginoon tulad ng buhay at pamilya sapagkat ito ang pangunahing pagtupad sa misyon na iniatang ni Hesus sa bawat binyagan ang pagpapahalaga sa mga nilikha ng Panginoon.

Batid nitong sa kasalukuyang henerasyon ay unti-unting nawawala ang pagpapahalaga ng kabataan sa mga sakramento ng simbahan tulad ng kasal na pangunahing pundasyon sa isang matibay na pamilya at lipunan.

Naniniwala ang opisyal na ang mga hakbang na sisira sa pundasyon ng tao at pamilya ay mula sa kasamaan upang lituhin ang pananampalataya ng tao kabilang na rito ang patuloy na pagsusulong ng aborsyon, diborsyo, usapin ng kasarian at iba pa.

“This is all about the works of the devil to disrupt, to disturb and to disorient people in terms of values dapat tandaan natin na mas mahalaga yung values kaysa sa valuables.” dagdag pa nito.

Kasabay ng Dakilang Kapistahan ng ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria nagtipon ang iba’t ibang prolife groups para sa interfaith prayer sa Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace – EDSA Shrine.

Bukod sa pangangalaga sa buhay at pamilya dalangin din ng grupo ang pagkakaroon ng kapayapaan sa buong daigdig at mawakasan ang mga digmaan at tunggalian ng mga bansa dahil bukod tanging mga inosenteng indibidwal ang lubhang napinsala nito.

Gayundin ang panawagang ibalik ang dignidad ng sangkatauhan at igalang ang mga nilikha ng Diyos.
“We would like to invoke everybody to come and join us spread the good news and be part of the celebration of life,” ani Canaberal.

Bago ang march for life patungong EDSA Shrine nagsagawa ng Banal na Misa sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City na pinangunahan ni Franciscan Capuchin Fr. Uldarico Camus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 38,556 total reads

 38,556 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 75,345 total reads

 75,345 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 109,090 total reads

 109,090 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 160,738 total reads

 160,738 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 222,373 total reads

 222,373 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top