Protect Verde Island Passage, nagpasaklolo sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,830 total reads

Nagtungo ang grupong Protect Verde Island Passage sa House of Representative upang ipanawagan ang patuloy na suliranin sa nangyaring oil spill sa Mindoro tatlong buwan na ang nakakalipas.

Pinangunahan ni Protect VIP lead convenor, Calapan Social Action Director Fr. Edwin Gariguez ang pagkilos kasama ang mga residente at mangingisdang apektado ng pagtagas ng langis.

Ayon kay Fr. Gariguez, 90-araw na ang nakakalipas ngunit nasasayang lamang ang panahon ng pamahalaan sa pagtukoy sa tunay na may pananagutan sa insidente.

Nangangamba rin ang pari na mas lalong manganib ang mga likas na yaman ng VIP sa kakulangan ng pagtugon ng mga kumpanyang responsible sa sakuna.

“This national disaster has been going on for three long months, but we fear that it is still not being treated as one. While the government dilly-dallies in exacting accountability and justice, the damage to Verde Island Passage’s ecosystem and resulting impacts on stakeholders continue to worsen. Companies responsible for this must be punished.” pahayag ni Fr. Gariguez.

Iginiit ni Fr. Gariguez na dapat managot ang RDC Reield Marines Services (RDC) na may-ari ng barko at ang San Miguel Corporation (SMC) na may-ari naman ng langis dahil sa patuloy na panganib na dulot nito sa kalikasan.

Pebrero 28 ng kasalukuyang taon nang tumaob ang MT Princess Empress na naging sanhi ng patagas ng langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Matagal nang isinusulong ng simbahan ang Protect VIP campaign upang mapangalagaan ang Verde Island Passage mula sa mga proyekto tulad ng planong pagtatayo ng fossil fuel powerplants at liquified natural gas terminal.

Ang VIP ang tinaguriang “Center of the Center of Marine Shore fish Biodiversity” dahil dito matatagpuan ang nasa halos 60-porsyento ng iba’t ibang marine species sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 198,656 total reads

 198,656 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 226,534 total reads

 226,534 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 260,656 total reads

 260,656 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 317,060 total reads

 317,060 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,764 total reads

 183,764 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top