Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Quad Comm, iniimbestigahan ang kaugnayan ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’

SHARE THE TRUTH

 13,051 total views

Ito ang katanungang lumutang sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee makarang busisiin ng panel ang mga negosyo ni Guo at posibleng pagkakaugnay sa mga sindikato.

Ipinunto ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga kahina-hinalang kaugnayan ni Guo at ilang mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China konektado sa nasabing gang.

Ang Fujian gang ay tumutukoy sa isang sindikato na katulad ng mga triad, na kinabibilangan ng mga gang na imigrante sa Hong Kong at local networks sa Fujian.

Isa sa ipinakitang ebidensya ang poster ng pagbati mula sa mga negosyanteng Intsik na nakabase sa Maynila, na orihinal na mula sa Fujian, na nagdiwang sa pagkakahalal ni Guo bilang “unang Intsik na alkalde sa Pilipinas” noong 2022.

“This (congratulatory poster) came from businessmen here in Manila who originated from Fujian, China,” ayon kay Luistro.

Ayon din sa inilabas na impormasyon mula sa record ng Bureau of Immigration, na tumutukoy kay Guo na dependent ng kanyang ina na si Lin Wen Yi, na tubong Fujian.

Binanggit din ni Luistro na ang dalawang kasosyo ni Guo at mga kapwa incorporators ng Bamban-based na Baofu Land Development Inc.—sina Lin Baoying at Rujin Zhang—na parehong nahatulan ng paglabag sa anti-money laundering sa Singapore, ay mula rin sa Fujian.

“Based on research, Mr. Chair, the two incorporators by the name Baoying Lin and Rujin Zhang, both convicted of anti-money laundering in Singapore, are all from Fujian, China,” ayon sa pahayag ni Luistro sa Quad Committee, na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.

Duda ng kongresista kung ang mga koneksyon na ito ay nagkataon lamang o indikasyon na sangkot si Guo sa mga ilegal na aktibidad na konektado sa Fujian gang.

Itinanggi ni Guo ang anumang kaalaman tungkol sa Fujian gang,

Inihayag sa interpelasyon ni Luistro, na ang pagkakaugnay ni Guo kina Lin at Zhang, na kapwa hinatulan sa Singapore dahil sa laundering ng $3 bilyon, kasama ang isa pang incorporator, na si Huang Zhiyang, na sangkot naman sa cybercrime matapos ang pagsalakay ng mga awtoridad noong 2023.

Ang apat na nabanggit ay sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), partikular ang Hongsheng Gaming Technology at Zun Yuan Technology, na konektado sa human trafficking at money laundering.

Nalaman din sa pagdinig na si Guo ay nakakuha ng pekeng birth certificate at Philippine passport sa pamamagitan ng late registration ng birth system, kaya’t nakatakbo at nahalal na opisyal ng gobyerno at makapagtayo ng mga negosyo.

Dahil dito, iminungkahi ni Luistro ang pagkakaroon ng reporma upang pigilan ang mga dayuhan na sinasamantala ang kahinaan ng Sistema at inirekomenda sa Securities and Exchange Commission na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon upang matiyak na lehitimo ang mga korporasyon.

“The layering of various documents to make it appear that these are legitimate corporations complicates the government’s ability to verify and monitor the illegal activities of these foreign nationals,” babala pa ng kongresista.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa mas mahigpit na mga batas laban sa money laundering, na tinukoy na ang mga ilegal na operasyon ng POGO ay lumawak dahil sa hindi nare-regulate na mga financial transactions.

“Illegal activities and illegal POGOs will not proliferate if they are not able to transfer money. So I humbly suggest as well, Mr. Chair, that we tighten our rules on anti-money laundering,” dagdag pa ni Luistro.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 160,575 total views

 160,575 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 177,543 total views

 177,543 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 193,371 total views

 193,371 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 284,299 total views

 284,299 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 302,465 total views

 302,465 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

12-percent VAT, bawasan ng 2-porsiyento

 31,128 total views

 31,128 total views Naniniwala si Sen. Erwin Tulfo na hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalan kung babawasan ng dalawang porsiyento ang umiiral na 12 percent

Read More »
Scroll to Top