Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Re-awakening seminar sa mga komunidad, paiigtingin ng CHARIS Philippines

SHARE THE TRUTH

 20,775 total views

Tiniyak ng Catholic Charismatic Renewal International Service – National Service of Communion ang pagpapaigting sa gawaing pagmimisyon bilang katuwang ng simbahan.

Ayon kay CHARIS Philippines National President Fe Barino tutukan ng institusyon ang pagpapalawak sa ‘Reawakening’ seminar sa mga komunidad upang muling mapag-alab sa bawat mananampalataya ang diwa ng Espiritu Santo na tinanggap sa sakramento ng binyag..

Sinabi ni Barino na ito ang hakbang ng CHARIS Philippines bilang pakikiisa sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco.

“Bring them to the parish kasi yan ang nais ni Pope Francis sa synod on synodality na opening doors of the churches to everyone lalo na ang peripheries na mapalapit sa simbahan kasi we are journeying together.” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Barino na sinimulan nito ang ‘Reawakening Seminar’ sa mga kawani ng pribadong institusyon kung saan higit natuklasan ang pangangailangang palawakin ang ebanghelisasyon sa buong komunidad.

Nakipagtulungan ang grupo kay Fr. Cresenciano Ubod ng San Vicente Ferrer Parish sa Liloan Cebu upang isulong ang monthly prayer meeting at tipunin ang mananampalataya upang ihayag ang Salita ng Diyos.

“Kami ang nag-initiate na magsagawa ng prayer meeting atleast once a month sa simbahan then bring all people na nag-join sa reawakening, this is open to all kahit iba ang pananampalataya; this is really an opening door, this is an evangelization na parish wide.” giit ni Barino.

Magsisimula ang parishwide Charismatic Prayer Meetings tuwing ikalawang Sabado ng buwan ngayong January 13, 2024 sa San Vicente Ferrer Parish.

Naniniwala si Barino na bawat isa ay may maibabahaging karanasan sadakilang p ag-ibig ng Diyos na maging daan sa mas higit na pagpapalalim ng pananampalataya ng mamamayan.

“I think conversion stories are the most effective ways of evangelization when you bring people to the parish, to a gathering and let people share their story of conversion, of their experience of the love of God that’s the best evangelization,” ani Barino.

Bukod sa pagiging pangulo ng CHARIS Philippines si Barino rin ay naihalal na council member ng CHARIS International bilang kinatawan sa Asya gayundin ang pamamahala sa Commission on the Laity ng Archdiocese of Cebu.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 60,709 total views

 60,709 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 78,816 total views

 78,816 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 84,239 total views

 84,239 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 143,756 total views

 143,756 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 159,001 total views

 159,001 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

 12,264 total views

 12,264 total views Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top