Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Replika ni Hesus Nazareno, tinanggap ng Archdiocese of Los Angeles

SHARE THE TRUTH

 1,581 total views

Tinanggap ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles, sa pamamagitan ng Filipino Ministry ng Archdiocese of Los Angeles, ang opisyal na replika ng Jesus Nazareno mula sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o mas kilala bilang Quiapo Church, na isang hakbang na nagpapatibay sa espirituwal na ugnayan ng mga Pilipinong Katoliko sa Pilipinas at sa ibayong-dagat.

Isinagawa ang pormal na pagtanggap sa relipka ng imahen ng Poong Hesus Nazareno noong Enero 25, 2026, sa Quiapo Church sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nina Rev. Fr. John Cordero, MMHC, kura paroko ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles, at Rev. Fr. Jade Licuanan, rektor ng Pambansang Dambana ng Jesús Nazareno.
Ang kasunduan ay tanda ng opisyal na pagtitiwala at pag-aatas ng banal na imahen ng Jesus Nazareno sa Filipino Catholic community sa Los Angeles.
“On January 25, 2026, our Pastor, Fr. John Cordero, MMHC, went to the National Shrine of Jesús Nazareno in Quiapo, Manila (more known as the Quiapo Church) to formalize the reception of Holy Family Church (in behalf of the Filipino Ministry of the Archdiocese of Los Angeles) of the Official Replica of the Jesús Nazareno Signing the Memorandum of Agreement with him is the Rector of the Shrine, Rev. Fr. Jade Licuanan.” Bahagi ng impormasyong inihayag ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles.
Ayon sa mga pinuno ng Simbahan, ang hakbang na ito ay sumasalamin sa matibay at patuloy na debosyon ng mga Pilipino sa Poong Jesus Nazareno, maging saan man sila naroroon sa mundo, at sa hangarin ng Quiapo Church na patuloy na alagaan ang pananampalataya ng mga Pilipinong nasa ibayong-dagat.
Inaasahang ipadadala ang banal na imahen patungong Estados Unidos bago ang solemne at makasaysayang Welcome Mass sa Pebrero 14, 2026 na nakatakdang pangunahan ni Balanga Bishop Rufino “Jun” Sescon, na dating nagsilbing rektor ng Pambansang Dambana ng Jesus Nazareno.
“Very soon, the image will be shipped by air to Los Angeles and will be welcomed with a Mass on February 14, celebrated by Bishop Rufino “Jun” Sescon, the Bishop of Balanga, Bataan who was the immediate past Rector of the National Shrine.” Dagdag pa ng parokya.
Umaasa naman ang pamunuan ng Quiapo Church na ang presensya ng opisyal na replika ng Poong Jesus Nazareno ay magpapalalim pa sa pananampalataya, magpapatibay ng pagkakaisa, at magsisilbing bukal ng pag-asa at lakas para sa mga Pilipinong Katoliko sa Archdiocese of Los Angeles.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 179,002 total views

 179,002 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 200,778 total views

 200,778 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 224,679 total views

 224,679 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 331,507 total views

 331,507 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 355,190 total views

 355,190 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ng PHIVOLCS

 34,661 total views

 34,661 total views Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na hindi beripikadong impormasyon. Ayon

Read More »
Scroll to Top