Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Saan napupunta ang multi-bilyong dolyar na inuutang ng Pilipinas – Obispo

SHARE THE TRUTH

 373 total views

Pinatitiyak ng isang Obispo sa pamahalaan na nagagamit sa basic services ng mamamayan ang multi-billion dollar na inuutang ng Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, hindi dapat ipinagmamalaki ng pamahalaan ang malaking nauutang nito sa halip ay tutukan kung nabibigyan ng sapat na serbisyo ang taumbayan.

Ikinababahala ni Bishop Pabillo na habang lumalaki ang utang ng Pilipinas ay lumalaki din ang bilang ng mga Filiipno na naghihirap at nangangailangan pa rin ng tulong ng pamahalaan.

“Ang problema kasi, ipinagmamalaki ang utang natin pero babayaran din natin ‘yan. Kaya sa halip na ang pera ay gastusin sa basic services, siya nagagastos sa pambayad ng utang kaya hindi ‘yan isang palatandaan na maunlad tayo, na nakakautang tayo ng malaki kasi tayo din naman magbabayad niyan. Kaya ang tanong sana, ay ang mga inutang ba natin ay karapat-dapat ba, legitimate ba at ito ba ay nakikinabang ang mga tao?” hamon ni Bishop Pabillo sa pamahalaan sa panayam ng Radio Veritas.

Inihalimbawa ng Obispo na hindi sapat ang conditional cash transfer ng pamahalaan na ibinabahagi sa mga mahihirap na ang pondo ay inutang pa ng bansa.

“Hindi naman mahalaga kung maraming pera ang bansa, ang mahalaga na tanong diyan ay nagagastos ba para sa bayan? nakikinabang ba ang mga tao sa pera? Lumalaki ang utang kasi pati yung cct ay galing din sa utang kaya asahan natin na lalaki kaya dapat talagang gastusin ng maayos kasi galing sa tao at tayo din ang magbabayad niyan.”

Noong November 26, 2015, inaprubahan ng Asian Development Bank ang 600-milyong dolyar na loan ng Pilipinas para pondohan ang Private Public Partnerships program ng Administrasyong Aquino.

Nabatid mula sa datus ng Bureau of Treasury,ngayong taong 2016 umaabot na sa 6-trilyong piso o 163,934,972,678-bilyong dolyar ang utang ng bansa kung saan tumaas ito ng 3.8-porsiyento mula taong 2014 o 45.8-percent ng kabuuang GDP o Gross Domestic Product ng bansa.

Sa kasalukuyan, ang bawat 109,805,464 na Filipino ay magpapakakautang ng 1,515-dolyar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,953 total views

 25,953 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 34,621 total views

 34,621 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 42,801 total views

 42,801 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 38,519 total views

 38,519 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 50,569 total views

 50,569 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 35,829 total views

 35,829 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 35,839 total views

 35,839 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 35,863 total views

 35,863 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 35,977 total views

 35,977 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 36,420 total views

 36,420 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 35,875 total views

 35,875 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 35,864 total views

 35,864 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top