Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Safety protocols, mahigpit na ipinapatupad sa Santo Nino de Cebu.

SHARE THE TRUTH

 328 total views

Kaisa ang Basilica Minore del Santo Niño de Cebu ng pamahalaan sa pagtiyak ng kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan sa banta ng corona virus disease 2019.

Ayon kay Reverend Father Genesis Labana, OSA, ang director ng BMSN Media Center, pinaiigting ng basilica ang information drive upang maging bukas ang kamalayan ng publiko partikular ng mga deboto at turistang bumibisita sa Santo Niño at sa Magellan’s Cross na matatagpuan din sa Cebu.

“We are helping the Department of Health (DOH) in information drive against COVID 19 by posting their posters in all departments and strategic areas of the Basilica as well as the constant announcement in all our masses,” pahayag ni Fr. Labana sa Radio Veritas.

Nanatiling bukas sa publiko ang Basilica at patuloy din ang mga gawain nito ngayong kuwaresma at sa nalalapit na mga Mahal na Araw.

Inihayag ng Pari na ipinatutupad din sa Basilica ang pagtanggap ng komunyon sa kamay bilang pag-iingat na mahawaan ng virus.

Bukod dito, naglalagay rin ng mga alcohol at iba pang hygiene kits ang pamunuan sa lahat ng pintuan ng Simbahan lalo na sa kinaroroonan ng imahe ng Santo Niño kung saan pumipila ang mga deboto upang magnilay at magdasal.

Mahigpit ding ibinilin sa mga security personnel at iba pang kawani ng Basilica ang pagsusuot ng face masks na bahagi ng pag-iingat habang katuwang din ang kanilang medical team sa pagpapaliwanag sa publiko hinggil sa COVID 19.

“Our Medical Team will conduct a talk on COVID for the public,’ ayon kay Fr. Labana.

Ang Basilica ng Santo Niño sa Cebu ay isa sa mga simbahang dinadagsa ng mga deboto hindi lamang ng mga Filipino kundi maging ng mga dayuhan sapagkat isa ito sa kilalang debosyong bitbit ng mga Espanyol nang ipinakilala ang Kristiyanismo sa Pilipinas halos 500 taon na ang nakalipas.

Sa pinakahuling tala ng Deaprtment of Health umabot na sa 33 ang nagpositibo ng COVID 19 sa bansa kaya’t mahigpit na nagpatupad ang mga simbahan ng safety protocols alinsunod sa rekomendasyon ng DOH at iba pang mga eksperto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 22,802 total views

 22,802 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 41,155 total views

 41,155 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 91,486 total views

 91,486 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 121,423 total views

 121,423 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 16,591 total views

 16,591 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567