Simbahan, bukas sa pakikipagtalakayan sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,760 total reads

Naniniwala ang opisyal ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs na kinakailangan ang masusing talakayan sa mga mahahalagang polisiya sa bansa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng komisyon, bukas ang simbahan sa pakikipag-usap sa mga mambabatas para sa mga isinusulong na panukala lalo na ang pinag-uusapang divorce bill.

Sinabi ng pari na mahalagang maunawaan ng mamamayan at maipaliwanag sa mga mambabatas ang paninindigan ng simbahang katolika hinggil sa usapin.

“Yung willingness ng simbahan nandodoon, yung mga bagay na ganito dapat naman talaga pinag-uusapan in the interest of the Filipinos hindi naman ito interes ng simbahan, interes ito ng bawat pamilyang Pilipino, interes ng ating lipunan kaya dapat talaga pag usapan natin ito upang maiparating sa taumbayan kung ano ang dapat nilang mapakinggan na katotohanan,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Kamakailan ay tinalakay ng senado sa pangunguna ni Senator Risa Hontiveros ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang panukalang diborsyo at iginiit na napapanahong isabatas ito para sa kapakinabangan ng kababaihang biktima ng pang-aabuso.

Noong Pebrero inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations ang House Bill 1593 o ang Church Nullity Act of 2022.
Iginiit ni Fr. Secillano na bukas ang simbahan sa pakikipagtalakayan.

“Always willing naman talaga tayo pero kinakailangan may invitation kasi hindi naman tayo pwede mag gate crash sa hearing,” ani Fr. Secillano.

Dagdag ng opisyal na gumawa na rin ito ng iba’t ibang position paper na isinumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa usapin ng SOGIE, Divorce at iba pang panukala na may paninindigan ang simbahan.

Tanging Pilipinas at Vatican ang mga bansang nanatiling illegal ang diborsyo sa buong mundo.
Batay sa resulta ng Veritas Truth Survey noong 2018, 52-porsyento ang pabor sa panukalang diborsyo kaya’t pinaiigting ng simbahan ang mga hakbang sa pagpapaliwanag sa kasagraduhan ng pag-aasawa na mahalagang pundasyon sa bawat pamilyang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 27,479 total reads

 27,479 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 75,699 total reads

 75,699 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 125,450 total reads

 125,450 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 284,649 total reads

 284,649 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 310,502 total reads

 310,502 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top