Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, nagsasagawa ng imbestigasyon sa paring isinasangkot sa human trafficking

SHARE THE TRUTH

 438 total views

Igagalang at susundin ng Diocese of Antipolo ang proseso ng batas sa alegasyong human trafficking ng isang menor de edad na kinakaharap ng isa sa mga Parish Priest ng Diyosesis.

Habang gumugulong ang imbestigasyon at kasong isinampa ng Philippine National Police laban kay Msgr.Arnel Lagarejos ay inalis muna ng Obispo ng Diocese of Antipolo ang priestly ministry o mga katungkulan ng pari bilang kura-paroko ng St.John the Baptist Parish kabilang na ang pagiging pangulo ng Cainta Catholic College.

Umaapela naman ng panalangin ang Diocese of Antipolo sa mga pananampalataya na lumabas ang katotohanan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Emeritus Oscar Cruz, Judicial Vicar ng CBCP National Appellate Matrimonial Tribunal na hindi kukonsintihin ng Simbahan ang mga imoral na gawain.

Binigyang diin ni Archbishop Cruz na susuriin at pag-aaralang mabuti ng CBCP National Tribunal ang lahat ng anggulo sa kasong kinakaharap ni Msgr.Lagarejos bagamat aminado itong mabigat na pagkakasala sa batas ng tao at batas ng Diyos ang pang-aabuso sa mga menor-de-edad.

Inihayag ng Arsobispo na hawak niya ang kaso ng pari bilang Judicial Vicar ng CBCP National Appelate Matrimonial Tribunal na sariling korte ng Simbahang Katolika na umaasikaso sa mga sexual allegation laban sa mga miyembro nito.

Nilinaw ni Archbishop Cruz na maaring mismong ang Vatican ang maglabas ng desisyon matapos ang paglilitis kay Msgr. Lagarejos.

“Ang kaso na yan ay nasa akin na, nag-usap na kami ni Bishop de Leon na ako nang hahawak.’pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas

Iginiit naman ng Arsobispo na ang mga Pari at Obispo ay mga tao rin at hindi Santo na nakagagawa ng pagkakamali.

Bunsod nito, nanawagan ang Arsobispo sa mga mananampalataya na patuloy na ipagdasal ang Simbahang Katolika at ang katatagan ng mga pari na araw-araw ay dumaranas ng iba’t-ibang pagsubok sa kanilang paglilingkod sa Panginoon.

Samantala, kinumpirma ni Antipolo Bishop de Leon sa Radio Veritas ang pagtatalaga kay Archbishop Cruz bilang taga-pagsalita o spokesman sa mga alegasyong kinakaharap ni Msgr.Lagarejos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 35,082 total views

 35,082 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,914 total views

 57,914 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 82,314 total views

 82,314 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 101,204 total views

 101,204 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,947 total views

 120,947 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 71,703 total views

 71,703 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 177,970 total views

 177,970 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 203,784 total views

 203,784 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 218,934 total views

 218,934 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top