Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan ng Baguio, tiniyak ang pagtalima sa GCQ protocol

SHARE THE TRUTH

 558 total views

Tiniyak ng Diocese of Baguio ang pagtalima sa panuntunan ng pamahalaan kasunod ng muling pagsasailalim sa Baguio at Benguet sa General Community Quarantine.

Sa inilabas na circular ni Baguio Bishop Victor Bendico ay nanawagan ang Obispo sa mga mananampalataya, mga pari at mga relihiyoso’t relihiyosa sa diyosesis na na tupdin ang mga alituntunin bilang patuloy na pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Ayon sa Obispo, sa gitna ng patuloy na krisis na dulot ng pandemya ay higit na kailangang magkaisa ang lahat para sa kapakanan at kabutihan ng bawat isa.

Nasasaad sa kautusan ni Bishop Bendico ang pansamantalang pagbabawal sa pagdaraos ng mga pagtitipon ng simbahan kabilang na ang mga reccollections, seminars at meeting.



Binigyang diin ng Obispo ang pagsunod ng mga parokya at mga quasi-parishes sa mga ipinatutupad na safety health protocol kabilang na ang pagkakaroon lamang ng limitadong bilang ng mga mananamapalataya sa 30-porsyento ng kapasidad ng mga simbahan, pagsusuot ng facemask, face shield at pagsasagawa ng regular na paglilinis.

Muli ring umapela si Bishop Bendico sa mga kabataan edad 15-taong gulang pababa at mga 65-taong gulang pataas na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan gayundin ang mga nagdadalang tao at may karamdaman upang maiwasang malantad sa sakit.

Pakiusap ng obispo na patuloy na munang makibahagi sa misa sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga livestreaming ng mga Simbahan.

Hinikayat naman ng Obispo ang lahat na patuloy na manalangin at dasalin ang revised Oratio Imperata laban sa COVID-19.

Mula sa umiiral na Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Baguio City muling ipatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) nang makapagtala ang Cordillera Administrative Region ng mataas na bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 at ang pagkakatuklas ng UK variant sa Bontoc, Mountain Province, at La Trinidad, Benguet.

Magsisimula ang pagpapatupad ng GCQ sa February 1.

Attached Circular 03-2021:

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,183 total views

 22,183 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 30,283 total views

 30,283 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,250 total views

 48,250 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,353 total views

 77,353 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 97,930 total views

 97,930 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 848 total views

 848 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,668 total views

 1,668 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,114 total views

 7,114 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top