Sister Pat, nagpapasalamat sa sumuporta sa nagdasal sa kanya

SHARE THE TRUTH

 268 total views

Mananatili pa rin sa bansa ang Australian missionary na si Sr. Patricia Fox makaraang katigan ng Department of Justice ang isinumiteng ‘motion for reconsideration’ sa kanselasyon ng Bureau of Immigration sa kaniyang ‘missionary visa’.

Ayon sa DOJ, walang sapat na batayan para sa ‘visa cancellation’ hanggat hindi pa nareresolba ang deportation case na isinampa laban kay Sr. Fox sa sinasabing pakikialam sa ‘political activity’ sa bansa.

“At naniniwala tayo, nagdasal tayo ay nakikinig ang Diyos,” ayon kay Sr. Fox.

Sa programang Veritas Pilipinas, nagpahatid ng kaniyang pasasalamat ang madre sa mga suporta at nagdasal upang siya ay manatili sa Pilipinas.

“Maraming salamat, para sa lahat ng nagdasal para sa akin. Nakatulong ito para sa desisyon tapos upang maging malakas ako na magpatuloy kasi sa paniniwala ko tama ang ginawa ko para sa mahihirap, naapi. At sana tuloy-tuloy kasi may deportation case pa rin ako,” pahayag ni Sr. Fox.

Naniniwala ang madre na wala siyang nilabag na batas sa halip ay nakakapaghatid siya ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

Si Sr. Fox ay ang provincial superior ng Notre Dame de Sion na nakabase sa Pilipinas na inaresto noong April 16 dahil sa pagdalo sa mga kilos protesta ng mga manggagawa sa Davao City.

Sa isang mensahe ni Pope Francis noong World Day of Consecrated Life – sinabi niyang ang mga gawain ng mga relihiyoso ay isang tunay na kalayaan ng pagtalikod sa kamunduhan dahil sa pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 29,157 total views

 29,157 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 71,371 total views

 71,371 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 86,922 total views

 86,922 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 100,089 total views

 100,089 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 114,501 total views

 114,501 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top