Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Special collection sa mga Misa para sa mga biktima ng Bagyong Nina

SHARE THE TRUTH

 538 total views

Patuloy ang panawagan ng tulong ng Simbahang Katolika para sa mga biktima ng kalamidad gaya ng nagdaang Bagyong Nina na nanalasa sa regions 4-A,B, 5 at 8 at sa sunog sa Lungsod Quezon.

Dahil dito, ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga parokya ng buong Archdiocese of Manila na magsagawa ng special collection sa mga Misa.

Sinabi ni Fr. Pascual, ito ay upang makadagdag sa tulong na ibibigay sa mga nasalanta ng Bagyong Nina sa Camarines Sur, Catanduanes at Albay.

“Magkakaroon ng panawagan si Cardinal Tagle sa Simbahan na magkaroon ng special colletcion para sa mga biktima ng typhoon Nina, katatapos lang kasi ng typhoon Lawin hindi pa tayo tapos sa rehabilitation sa typhoon Lawin, then nagkasunog sa Quezon City, 1,000 pamilya ang nasunugan, nakakalungkot.” Pahayag ni Fr. Pascual

Una ng naglabas ng P1.3 milyon ang ArchAm sa pamamagitan ng Caritas Manila para sa archdiocese ng Caceres, diocese ng Virac at diocese ng Legazpi para sa food at shelter assistance ng mga nasalanta ng bagyo.

Una na ring nanawagan si Fr. Pascual sa mga mananampalataya sa kanyang Misa na tulungan ang mga biktima ng kalamidad in cash o in kind donations kung saan tumatanggap ang himpilan ng mga tulong.

“Sasaklolo tayo sa abot ng ating makakaya sa Caritas Manila sa tulong na rin ng ating mga kapanalig, kahapon nanawagan na tayo na mag-donate in cash or in kind para sa Typhoon Nina at sa mga nasunugan sa Quezon City.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nasa mahigit 26,000 pamilya ang una ng dinala sa mga evacuation centers sa kasagsagan ng bagyo noong kapaskuhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 14,473 total views

 14,472 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,533 total views

 28,533 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 47,104 total views

 47,104 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 72,022 total views

 72,022 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 79,013 total views

 79,013 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 104,828 total views

 104,828 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 141,121 total views

 141,121 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567