“State of No Action” ng pangulong Marcos sa pagmimina sa bansa, pinuna ng grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,813 total views

Umaasa si Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao na magkakaroon ng himala upang tuluyan nang mahinto ang pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Mangalinao, malubha na ang idinulot na pinsala ng pagmimina sa mga likas na yaman ng bansa dahilan upang maging ang mga pamayanan lalo na ng mga katutubo ay makaranas ng mga panggigipit at pagbabanta.

Iginiit ng Obispo na sa halip na pangalagaan ang kapakanan ng kalikasan at mamamayan, ang pamahalaan pa ang nangunguna sa pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto kapalit ng maliit na pondong makukuha rito.

“We are still praying for God’s gracious miraculous interventions for the complete stoppage of open pit mining (which was duly approved by the government). Why complete stoppage? For the destructive effects of mining far outweigh the gains it gives to the government and the society,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Mariing tinututulan ni Bishop Mangalinao ang pagmimina partikular ang operasyon ng OceanaGold copper-gold project sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya na lubhang nakakaapekto sa mga katutubong pamayanan ng Tuwali.

Sinabi ng obispo na ang nakikitang benepisyo ng pamahalaan sa pagmimina ay malayo sa mga nararanasan ng mga apektadong pamayanan na higit pang naghihirap dahil sa pinsalang dulot nito.

Itinuturing naman ng Alyansa Tigil Mina na State of No Action ang ginampanan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga krisis pangkalikasan sa nakalipas na taon.

Ayon sa ATM na sa loob ng isang taon ay hindi tinugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Toni Yulo-Loyzaga ang panawagan ng mga pamayanang apektado ng pagmimina.

Tinukoy ng grupo ang patuloy na operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island, Romblon at Ipilan Nickel Corporation sa Brooke’s Point, Palawan.

Pagbabahagi ng ATM, nagsagawa ng iba’t ibang gawain ang mga apektadong pamayanan kabilang na ang pagpapasa ng petisyon, pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan, at pagsasagawa ng barikada laban sa pagmimina.

“Investigations have still to be conducted, mining operations have yet to be permanently stopped, and mining contracts have still to be cancelled. Worse, while the demands of mining-affected communities are ignored, mining companies are given headway in their operations,” saad ng ATM.

Sa kasalukuyan, mayroong 11 large-scale offshore mining projects sa buong bansa, kung saan batay sa Philippine Reclamation Authority (PRA), nakapila ang 175 reclamation projects.

Inihayag naman ng People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems, mayroong 46 reklamasyon sa Manila Bay lamang na makakaapekto sa 32-libong ektarya ng karagatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,538 total views

 30,538 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,543 total views

 52,543 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 76,885 total views

 76,885 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,500 total views

 100,500 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 133,987 total views

 133,987 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top