Sugatang mundo nabibigyang buhay kapag umiiral ang pagmamahalan sa tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Kapag may pagmamahalan, ang sangnilikha ay nagiging isang tahanan para sa lahat.

Ito ang mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa kanyang liham pastoral hinggil sa pagdiriwang ng Season of Creation na nakapaloob ngayon sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Evangelista, nawa’y manaig sa puso ng bawat isa ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sapagkat napakahalaga ng maidudulot nito sa buhay ng tao upang mas maunawaan ang halaga ng mga nilikha ng Diyos at hilumin ang mundo na unti-unting napipinsala dulot ng iba’t ibang krisis sa kapaligiran.

“Kapag naranasan natin ang pag-ibig ng Diyos, ang biyayang ito ay mananahan sa atin. Matututo tayong tingnan ang lahat ng bagay at mga pangyayari sa ating mundo sa mata ng pag-ibig… Kapag umiral ang pag-ibig ng Diyos sa puso ng bawat tao, ang mundo na sugatan ay muling nabibigyang- buhay,” bahagi ng mensahe ni Bishop Evangelista.

Dalangin naman ng Obispo ngayong panahon ng paglikha na ang bawat pamilya at mga munting sambayanang Kristiyano ay matuto muling lumapit at makinig sa mapagmahal na Diyos na siyang maylikha ng lahat ng bagay.

Sinabi din ni Bishop Evangelista na huwag sanang maapektuhan ng umiiral na pandemya ang pagsisikap ng bawat isa na maging aktibo sa pakikibahagi sa mga layunin ng simbahan na tumulong at magmalasakit sa mga higit na nangangailangan, gayundin ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“Ngayong panahon ng pandemya, huwag lang sana tayong makuntento sa pagdarasal o pagsisimba sa pamamagitan ng online mass. Ang ating mga papuri at pasasalamat sa Diyos ay dapat mauwi sa aktibong pakikisangkot sa mga gawaing may pag-ibig tulad ng pag-aaruga sa mga maysakit, pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga dukha, at pangangalaga sa kalikasan,” saad ni Bishop Evangelista.

Taong 2009 o labindalawang taon na ang nakalipas nang unang ilunsad sa Diyosesis ng Imus ang pinakaunang Season of Creation sa buong Pilipinas na pinangunahan ng noo’y Obispo ng Imus at ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Taong 2015 naman nang ito’y ipag-utos na isagawa sa iba’t ibang Diyosesis sa buong bansa upang lubos na maipalaganap ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan sa kristiyanong pamamaraan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “A Home for All? Renewing the Oikos of God”, na ipagdiriwang sa buong buwan ng Setyembre hanggang sa Oktubre 4 kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis – ang patron ng kalikasan.

Ngunit pinalawig pa ito sa Pilipinas hanggang sa Oktubre 10 upang ipagdiwang ang Indigenous People’s Sunday bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan.

Diocese of Imus, nakikiisa sa paggunita ng Season of Creation

Diocese of Catarman, nakiki-isa sa pagdiriwang ng Season of Creation

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,913 total reads

 52,913 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,409 total reads

 139,409 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,446 total reads

 182,446 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 232,205 total reads

 232,205 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,923 total reads

 390,923 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,826 total reads

 191,826 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top