Suporta sa mga biktima ng pang-aabuso sa kalikasan, tiniyak ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,983 total reads

Tiniyak ng Commission on Human Rights ang patuloy na pagtataguyod sa karapatan ng mga biktima ng pang-aabuso sa kalikasan.

Ayon kay CHR Policy Officer Vincent Leo Gamboa, nakahandang tumulong ang komisyon sa pamamagitan ng legal assistance sa mga apektado ng mga proyektong pumipinsala sa kalikasan.

Tinukoy ni Gamboa ang mga katutubo na nakakaranas ng pang-aabuso at pagbabanta lalo na ang mga Agta-Dumagat-Remontado mula sa lalawigan ng Rizal at Quezon dahil sa itinatayong Kaliwa Dam Project.

“Sa bahagi ng mga indigenous peoples kasi maraming iba-ibang issue. So, for example, kung ‘yung mga proyekto ay nagli-lead to displacement ng mga IPs, meron po kaming Center for Crisis, Conflict, and Humanitarian Protection sa loob ng CHR na sila naman po ‘yung nagha-handle sa internal displacement issues ng IPs natin,” pahayag ni Gamboa sa Radio Veritas.

Samantala, umaasa naman si Ricardo Turgo ng Samahan ng mga Katutubong Agta na Pinagtatanggol at Binabaka ang Lupaing Ninuno (SAGIBIN-LN) na dinggin at tugunan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang matagal nang panawagang pangalagaan ang mga lupaing ninuno laban sa mga mapaminsalang proyekto.

Iginiit ni Turgo na hanggang ngayon ay walang natatanggap na pagpapasya ang grupo mula sa pamahalaan kaugnay sa kanilang mga ipinapanawagan.

“Hindi po talaga kami titigil hanggang walang resulta ‘yung pagsusulong namin doon sa pagtatanggol sa aming kalikasan. Na sana ito ay makaabot sa kanila at sana sa pagkakataong ito ay pagkaisahan natin ‘yung magkakatulad nating hinaing at alam ko namang hindi Dumagat lang ‘yung maaaring maapektuhan kung hindi natin pipigilan ang mga proyektong makakasira sa ating kalikasan,” ayon kay Turgo.

Marso 23, 2023 nang manawagan ang Rights of Nature Philippines Movement, sa pangunguna ng Philippine Misereor Partnership, Inc kasama ang Caritas Philippines at iba pang makakalikasang grupo, para sa pagdedeklara ng climate emergency sa bansa.

Kasabay nito ang panawagan sa pagsusulong sa Rights of Nature Bill na layong pagtuunan ang karapatan ng inang kalikasan upang matugunan ang matagal nang suliranin sa krisis sa klima.

UNDAS 2026, generally peaceful

 12,967 total reads

 12,967 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 24,011 total reads

 24,011 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 73,763 total reads

 73,763 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 232,956 total reads

 232,956 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 260,117 total reads

 260,117 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 293,238 total reads

 293,238 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 185,476 total reads

 185,476 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top