15,297 total views
Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) laban sa talamak na katiwalian sa bansa na tinawag nitong tahasang pagtataksil at pagnanakaw sa dignidad ng mga mamamayan.
Sa naganap na 45th Biennial Joint Convention ng CMSP sa Cebu City noong Setyembre 1–5, 2025, ay iginiit ng mga pinuno ng mga relihiyoso’t relihiyosa sa bansa na ang katiwalian ay hindi lamang isang simpleng kasalanan kundi isang sistemang pumipinsala sa kapakanan at kinabukasan ng mga mamamayan.
Kabilang sa partikular na tinukoy ng CMSP ang epekto ng katiwalian na nag-aalis ng opurtunidad sa edukasyon sa mga kabataan, nagsasantabi sa kalagayan ng mga may karamdaman, at nagtutulak sa milyon-milyong Pilipino sa kahirapan habang iilan lamang ang nagpapayaman.
“In our days together, we could not ignore the deep wound of corruption that bleeds our nation dry. We name it for what it is: a scandalous theft of the people’s dignity and a betrayal of the common good… Corruption is not an abstract sin; it is a system that robs our children of education, denies the sick of health care, and condemns millions of Filipinos to poverty while a few enrich themselves. It is the face of injustice that we encounter in every community, in every family forced to struggle because leaders have chosen greed over service.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.
Binigyang-diin ng CMSP ang pagkadismaya nito sa mga ulat ng Transparency International at World Bank na nagsasabing kabilang ang Pilipinas sa pinakakorap o tiwaling bansa sa ASEAN, na may mababang antas ng tiwala sa pamahalaan at pananalapi.
“The Philippines ranks among the most corrupt countries in ASEAN, with Transparency International and the World Bank recording a steady decline in institutional quality and governance. Trust in government effectiveness, rule of law, and accountability continues to deteriorate.” Dagdag pa ng CMSP.
Kasabay nito, kinondena rin ng CMSP ang maling paggamit ng pondo ng bayan na dapat sana’y nakalaan sa kalusugan at edukasyon, lalo na sa gitna ng paglobo ng utang ng bansa matapos ang pandemya.
Ayon sa CMSP, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat para sa pagkakaroon ng ganap na transparency sa mga kontrata ng pamahalaan lalo’t higit sa usapin ng buwis, at mga proyekto ng imprastruktura na para sa kapakanan ng mga mamamayan.
“The weight of corruption is felt in our national debt, which ballooned after the pandemic. Yet borrowed funds are squandered on phantom infrastructure projects and political patronage, while essential services like health and education endure crippling budget cuts.” Ayon pa sa CMSP.
Iginiit din ng CMSP ang pagsusulong ng taumbayan sa pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan at pagkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon sa mga kaso ng korupsyon ng mga opisyal ng pamahalaan.
Kaugnay nga nito, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso kaugnay katiwalian sa flood control projects sa pamahalaan na layuning mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan kung saan una ng inihayag ni Senator Panfilo Lacson na tanging 40-porsyento lamang ng pondo sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan ng mamamayan habang ang iba ay napupunta sa substandard, unfinished projects at katiwalian sa kaban ng bayan.