Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tanggapan ng Caritas Virac, nasunog sa kasagsagan ng bagyong Paeng

SHARE THE TRUTH

 654 total views

Nasunog ang opisina ng Caritas Virac sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon kay Diocese of Virac, Catanduanes Social Action director Fr. Atoy dela Rosa, naganap ang sunog alas-9:40 ng gabi kung saan natupok ang buong opisina ng Caritas Virac.

Ibinahagi ng pari sa Radio Veritas na walang natirang anumang gamit kabilang na ang mga dokumento, computer sets, at maging ang sasakyang ginagamit sa paghahatid ng mga tulong.

Tinitingnan naman ni Fr. Dela Rosa na pagnanakaw ang sanhi ng sunog na isinagawa sa kasagsagan ng malakas na pag-uulan.

“Kasi ‘yung style ng pagnanakaw nila, kasi ilang beses na ‘yang pinasok ang Caritas office, dumadaan sa kisame… Siguro wala silang makuha, syempre ang option nila ay sunugin na lang,” ayon kay Fr. dela Rosa sa panayam ng Radio Veritas.

Naapula ang sunog kaninang madaling araw at sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasaktang kawani ng Caritas Virac.

Samantala, bagamat apektado ng insidente, tiniyak pa rin ni Fr. dela Rosa ang patuloy na pag-antabay ng social arm ng Diocese of Virac sa mga ulat kaugnay sa naging epekto ng bagyong Paeng sa Catanduanes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 12,938 total views

 12,938 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 26,999 total views

 26,998 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 45,570 total views

 45,569 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 70,572 total views

 70,571 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 15,782 total views

 15,782 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567