Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Thanksgiving Mass sa pagbangon ng mga biktima ng Taal Volcano eruption, pinangunahan ng LASAC

SHARE THE TRUTH

 1,805 total views

Patuloy na buksan ang puso upang tulungan ang mga higit na nangangailangan.

Ito ang pagninilay ni Fr. Jazz Siapco, direktor ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission sa banal na Misa bilang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng pagliligalig ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon kay Fr. Siapco na bagamat tatlong taon na ang nakakalipas, nararamdaman at nasasaksihan pa rin ng mga residente ng lalawigan ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makaahon sa mga pagsubok na sinapit kasunod ng pagsabog ng Taal Volcano.

Paliwanag ng pari na ang banal na Misa para sa anibersaryo ng Taal Volcano eruption ay iniaalay din para magpasalamat sa lahat ng mga tumulong para sa kapakanan ng mga apektadong residente.

“Itong misang ito ay misa ng pasasalamat para sa kaligtasan para sa napakaraming tao bagama’t hindi lahat ay pinalad. Pasasalamat para sa ilang taon ng ating response, ng ating malasakit para sa Batangas… Sa araw na ito, binabalikan natin at nagpapasalamat tayo sa libo-libong volunteers na nagtulong-tulong para tulungan ang mga Batangueño noong mga panahong iyon,” ayon kay Fr. Siapco.

Nagpapasalamat at kinilala din ng LASAC ang mga lokal na pamahalaan sa Batangas dahil sa patuloy na pagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya tulad ng housing projects.

Ito’y para sa 880 pamilya na tatlong taon na ang nakakalipas ngunit nananatili pa rin sa anim na evacuation centers dahil hindi na pinahintulutang makabalik pa sa kanilang mga tirahan sa Taal Volcano Island.

“There are still 880 families who are still in need of help. They’re still in evacuation centers. They could not go back to the island anymore, and we continue to build homes for them outside the volcano and we need help. Harden not your hearts,” saad ni Fr. Siapco.

Enero 12, 2020 nang muling magligalig ang Bulkang Taal—43 taon makalipas ang huli nitong pagsabog noong taong 1977.

Itinaas sa Alert level 4 status ang bulkan dahil sa patuloy na pagsabog na naging sanhi ng mga pagyanig at pagbuga ng abo na umabot sa mga karatig na lalawigan.

Umabot naman sa 39 ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng Taal volcano eruption na karamiha’y sanhi ng pagkabalisa at atake sa puso habang lumilikas, at ang iba naman ay dahil sa pagtangging sumunod sa panuntunan sa paglikas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,452 total views

 13,452 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,552 total views

 21,552 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,519 total views

 39,519 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 68,785 total views

 68,785 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,362 total views

 89,362 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,164 total views

 8,164 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,452 total views

 9,452 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,854 total views

 14,854 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,838 total views

 16,838 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top