Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

The Church cares

SHARE THE TRUTH

 454 total views

Ibinahagi ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Balanga na patuloy kumilos ang Simbahang Katolika upang abutin ang mga dukha sa lipunan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, tahimik na gumagawa ang Simbahan ng mga hakbang para tugunan ang kahirapan at kawalang oportunidad ng mamamayan.

“The Church cares and compassionate. She works in silent and sincerely, without fanfare and publicity,” ang pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo ito ay pagpapatunay na hindi tinalikuran ng Simbahan ang mga nangangailangang mamamayan kundi nilingap at binigyang tugon ang mga salat sa buhay.

Ito rin ay handog ng Simbahan at pagkilala sa kabutihang loob ng mga mananampalataya na nagbabahagi ng mga biyaya sa pamamagitan ng pag-aalay tuwing magdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Nilinaw ni Bishop Santos na ang handog sa Misa tulad ng mga prutas ay pinagsasaluhan at ibinabahagi sa mga naglilingkod sa Simbahan.

Iginiit ng pinuno ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat makita ng mamamayan ang mga hakbang ng Simbahan sa pagtugon ng suliranin sa pamayanan tulad ng usapin sa edukasyon at pagkakakitaan.

“They must see and know that the Church offers scholarships, gives school supplies, shares slippers to the children, provides livelihood programs and projects for her flock,” ani ni Bishop Santos.

Bukod dito naglalaan ng pondo ang Diyosesis para sa mga nabanggit na programa ng Simbahan na makatulong sa pagtataguyod at ikaaangat ng antas ng pamumuhay ng bawat mananampalataya sa komunidad.

Binigyang diin ni Bishop Santos na sa kabila ng pagiging hindi karapat-dapat ng mga Obispo at mga Pari ay sinisikap nitong maging mabuting pastol sa mga tupa na inihabilin ng Panginoong Hesus sa kanilang hanay bilang kaisa sa misyon ng Simbahan.

Si Bishop Santos ay aktibong nangangasiwa sa Diyosesis ng Balanga na may halos 600, 000 ang populasyon ng mga Katoliko.

Isa lamang ito sa maraming proyekto ng Simbahang Katolika sa bansa na nagbibigay ng konkretong tugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na ang sektor ng mga maralita.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 43,454 total views

 43,454 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 60,551 total views

 60,551 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 74,783 total views

 74,783 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 90,501 total views

 90,501 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 109,000 total views

 109,000 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 20,516 total views

 20,516 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top