Tinanggal na manggagawa ng Nestle Wyeth Nutrition, tinanggihan ang alok na separation packages

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,358 total reads

Hindi naniniwala ang Wyeth Philippines Progressive Workers Union na pagkalugi ang dahilan sa restructuring ng Wyeth Nutrition plant sa Laguna.

Inilarawan ni Ulysses Capole Vice President ng grupo, na masigla ang kompanya sa kabila ng naranasang pandemya sapagkat tuloy-tuloy ang operasyon.

“Isa lang po nakikita namin jan, magkaroon o madagdagan lang ang kanilang kita; sa katotohanan during pandemic pinapasok po talaga kami, continues ang production,” pahayag ni Capole sa Radio Veritas.

Paglalahad ni Capole na hindi katanggap-tanggap ang hakbang ng multinational company lalo’t katatapos lamang noong Disyembre ang Collective Bargaining Agreement (CBA).

Bagama’t nag-alok ng retrenchment packages ang kompanya hindi makatarungan ang biglaang pagpapahinto sa trabaho na walang abiso.

“Highly skilled po yung mga manggagawa sa Wyeth tapos ganun lang po ang gagawin sa amin parang binabalewala lang po,” ani Capole.

Batay sa pahayag ng kompanya, aabot sa 250-percent ang alok na separation packages sa mga manggagawang nagsilbi ng mahigit sa 20 taon habang ang iba naman ay nasa 150 hanggang 200 percent.

Iginiit ni Capole na bagamat makatatanggap ng bayad ay kaya nitong kitain sa loob ng isang taon ang halagang ini-alok ng kompanya.

May 18, 2023 nang hindi pinapasok sa Canlubang plant ang may 140 manggagawa na kinabibilangan ng 125 rank-and-file at 10 union officers.

Sa inilabas na datos ng Nestle Philippines, umabot sa 164-bilyong piso ang kinita ng kompanya noong 2022 o halos 0.4% year-on-year na paglago.

Sa ensklikal na Laborem Exercens ni St. John Paul II, binigyang diin nitong nararapat bigyang halaga ang pagpapagal ng bawat manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 198,734 total reads

 198,734 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 226,603 total reads

 226,603 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 260,725 total reads

 260,725 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 317,129 total reads

 317,129 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top