True leaders are discerning, paalala ng opisyal ng CBCP sa mga opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 25,515 total views

Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalatayang Pilipino na higit na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanilang tungkuling maglingkod para sa kapakanan ng bayan.

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa namumuong tensyon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, mahalagang ipanalangin ang kaliwanagan ng puso at isip ng mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng naaangkop na desisyon at aksyon para sa kabutihan ng bayan.

Pagbabahagi ni Bishop Florencio, may direktang epekto sa buhay ng taumbayan ang mga gagawing desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan kaya naman mahalagang ipanalangin ang tuwinang paggabay ng Banal na Espiritu sa mga halal na lingkod bayan.

“True leaders are supposedly discerning kong ano ang dapat gagawin nila. Kasi kong anuman ang kanilang gawin at sabihin will always have some repercussions para sa mga constituents. Ipagdasal natin sila at huwag tayo magpadala. As a people and community meron pa rin tayong magagawa. Listen to the promptings of the Holy Spirit.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, mahalagang maging alerto at mapagbantay ang bawat isa sa mga hakbang ng pamahalaan na dapat ay tuwinang para sa kabutihan at kapakanan ng bayan at ng taumbayan.

“Ang dapat manaig sa atin ay ang ‘good for the nation and its people.’” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Magugunitang sa naganap na prayer rally sa Davao City noong Linggo, ika-28 ng Enero, 2024 ay tinuligsa ni dating Pangulong Duterte ang People’s Initiative kung saan muli din nitong inakusahan ang pamilya Marcos sa pagtatangkang palawigin ang kanilang kapangyarihan at idawit pa ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr. sa umano’y pagkakasama ng sa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency na una na ring pinabulaanan ng naturang ahensya.

Una ng binigyang diin ng Santo Papa Francisco na ang pulitika ang isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa dahil sa dapat na pagtutok ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagsusulong ng common good o ang makabubuti sa mas nakararami.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 18,399 total views

 18,399 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 60,613 total views

 60,613 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 76,164 total views

 76,164 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 89,408 total views

 89,408 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 103,820 total views

 103,820 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top