Tulungan ang mga refugee, panawagan ni Pope Leo XIV sa lider ng mga bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,543 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga pinuno ng mga bansa at sa pandaigdigang pamayanan na huwag ipagkait ang tulong at proteksyon sa mga refugee at sa mga taong napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pang-uusig at karahasan.

Sa kanyang Angelus sa Vatican noong June 21, kasabay ng paggunita sa World Refugee Day at ika-75 anibersaryo ng Convention Relating to the Status of Refugees ng United Nations, binigyang-diin ng Santo Papa ang pangangailangang pairalin ang malasakit at pagkakaisa para sa mga nangangailangan ng kanlungan.

“No one can turn a blind eye to those who are seeking protection and safety,” ayon kay Pope Leo XIV.

Hinimok din ng punong pastol ng Simbahang Katolika ang lahat na tanggapin ang mga biktima ng pag-uusig upang magkaroon sila ng pagkakataong mamuhay nang payapa at may dignidad.
“I also urge everyone to welcome those who are victims of persecution so that they may live in peace, with dignity, and look to the future with hope,” dagdag pa ng Santo Papa.

Umaasa rin si Pope Leo na magpatuloy na magsilbing gabay sa mga pinuno ng mga bansa ang diwa ng kasunduang nilikha upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga refugee sa buong mundo.

Bukod sa panawagan para sa mga refugee, tinalakay rin ng Santo Papa sa kanyang pagninilay ang kahalagahan ng personal na pakikipagtagpo kay Hesus bilang pundasyon ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Ayon sa Santo Papa, ang tunay na ebanghelisasyon ay hindi lamang nakabatay sa mga pamamaraan o makabagong kagamitan kundi sa malalim na ugnayan ng tao sa Panginoon.
“Proclaiming the Gospel is first and foremost a sharing of a personal encounter with him, which is unique to each of us,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Paliwanag ng Santo Papa na ang lakas ng bawat apostolado ay nagmumula sa pagkilos ng Banal na Espiritu at sa tapat na pagtugon ng bawat mananampalataya sa tawag ng Diyos.
“The strength of any apostolate, in fact — beyond techniques and tools — comes from the work of the Holy Spirit within us and from the authenticity of our response,” aniya.

Hinimok din ng Santo Papa ang mga Kristiyano na maglaan ng panahon para sa pananalangin at katahimikan sa gitna ng abalang pamumuhay upang higit na mapalalim ang pananampalataya at mapanatili ang katapatan sa misyon ng Simbahan.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na nananatiling hamon sa mga Kristiyano sa kasalukuyang panahon ang paninindigan sa mga turo ni Hesus sa kabila ng pag-uusig, diskriminasyon at iba’t ibang pagsubok.

“Now, just as then, it is a challenge to remain faithful to Jesus’ teachings and to proclaim his word: to respond to hatred with love, to arrogance with meekness, and to discouragement with perseverance,” ani ng Santo Papa.

Ayon pa sa kanya, ang malalim na pakikipag-ugnayan kay Kristo ang nagbibigay ng lakas upang hindi mawalan ng pag-asa at patuloy na maibahagi sa iba ang mensahe ng pagmamahal, kapayapaan at pag-asa.

Patuloy namang nananalangin ang Santo Papa na gabayan ng Mahal na Birheng Maria ang lahat ng mananampalataya upang maging tunay na mga misyonero ni Kristo ayon sa kani-kanilang bokasyon at tungkulin sa Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,899 total reads

 57,899 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,395 total reads

 144,395 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,432 total reads

 187,432 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,191 total reads

 237,191 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,629 total reads

 395,629 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top