Bishop Mangalinao, hindi natitinag sa kasong isinampa laban sa kanya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,447 total reads

Nanindigan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na hindi siya matitinag sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan sa kabila ng kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng kampanya laban sa pagmimina sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sinabi ng obispo na itinuturing niyang patunay ang kaso na may kabuluhan at epekto ang kanilang adbokasiya para sa kalikasan at sa mga pamayanang nangangambang maapektuhan ng mga aktibidad sa pagmimina.

Kaugnay ito sa mariing pagtutol ng mga residente at mga makakalikasang grupo, sa pangunguna ni Bishop Mangalinao, sa isinasagawang exploration activity ng North Luzon Mineral Resources Corp. (NLMRC) sa 4,456 hektaryang lupaing sumasaklaw sa mga lugar ng Pao, Kakidugen, Pacquet, Dine at Catarawan.

“This means that we are really doing something good, right, and just. That I am now really one with those who were wrongly charged before me,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon sa obispo, higit niyang nauunawaan ngayon ang kalagayan ng mga mamamayan at mga tagapagtanggol ng kalikasan na nahaharap sa mga kaso dahil sa kanilang paninindigan para sa kapaligiran at sa karapatan ng mga komunidad.

Sinabi rin ni Bishop Mangalinao na sa halip na panghinaan ng loob, lalo lamang siyang naging determinado, kasama ang mga pari ng diyosesis, na ipagpatuloy ang laban para sa pangangalaga sa inang kalikasan at sa mga residenteng direktang naaapektuhan ng mga exploration activities.

Binigyang-diin din ng obispo na hindi sila nag-iisa sa kanilang adbokasiya dahil patuloy silang nakatatanggap ng suporta mula sa iba’t ibang sektor at mga taong nakikiisa sa kanilang panawagan para sa responsableng pangangalaga sa likas na yaman.

“This emboldens me and the clergy even more to fight for Mother Earth and the people severely affected by mining explorations. We are not alone in this battle,” ayon sa obispo.

Tiniyak ni Bishop Mangalinao na mananatili silang matatag sa kanilang paninindigan at ipagpapatuloy ang kanilang kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan.

Nagpasalamat din ang obispo sa mga nagpapahayag ng suporta at nag-aalay ng panalangin para sa kanya at sa iba pang mga kasamang nahaharap sa kaso.

“We will hold the line until we win this battle,” giit ni Bishop Mangalinao.

Bukod kay Bishop Mangalinao, kabilang din sa mga kinasuhan sina Fr. Christian Dumangeng, dating Social Action Director ng diyosesis at kasalukuyang station manager ng Radio Veritas Bayombong; Florentino “Tinong” Daynos, isang lider ng grupong kontra pagmimina; at anim pang indibidwal na sangkot sa pagpapanatili ng isang barikada sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain.

Hindi naman pinagbigyan ng korte ang kahilingan para sa Temporary Restraining Order (TRO), habang nakatakda ang pagdinig sa kahilingan para sa writ of preliminary injunction sa Hunyo 23.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 61,647 total reads

 61,647 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 81,745 total reads

 81,745 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 160,136 total reads

 160,136 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 204,447 total reads

 204,447 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 239,392 total reads

 239,392 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 114,304 total reads

 114,304 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top