Mga lider ng simbahang katolika, nagpahayag ng suporta kay Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,756 total views

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang ilang lider ng Simbahang Katolika kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa gitna ng mga kasong kinakaharap kaugnay ng pagsusulong ng adbokasiyang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga pamayanang nasasakupan ng diyosesis.

Sa kanyang mensahe, inilarawan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang kasalukuyang sitwasyon ng obispo bilang isang panibagong pagsubok matapos malampasan ang malubhang karamdaman ilang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Cardinal David, minsang ipinagdasal ng mga mananampalataya ang paggaling ni Bishop Mangalinao matapos itong makaranas ng atake sa puso at sumailalim sa quintuple bypass surgery.
“Today, he faces a different ordeal. Having taken a public stand on issues affecting the environment and the communities entrusted to his care, he now finds himself confronting legal challenges arising from that advocacy,” ayon sa Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na nananatiling matatag ang obispo sa kabila ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap.

“Whether fighting for his own life or standing up for what he believes is life-giving for his people, Bishop Elmer has never lacked courage,” ayon sa kardinal.
Tinukoy rin ng kardinal ang mas malalim na kahulugan ng pakikibaka ni Bishop Mangalinao para sa kalikasan at sa kapakanan ng mamamayan.
“From fighting for his life to fighting for life itself,” ani Cardinal David.

Samantala, nagpahayag din ng pakikiisa si Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay para kay Bishop Mangalinao at sa lahat ng nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

“Today, we pray for the Diocese of Bayombong, for Bishop Jose Elmer Mangalinao, and for all who courageously work to protect our common home,” ayon kay Archbishop Baccay.
Iginiit ng arsobispo na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang mahalagang tungkuling moral lalo na ng mga pastol ng simbahan.

“May their witness remind us that caring for the earth is not only an environmental concern but a moral responsibility,” dagdag pa ng arsobispo.

Ang mga pahayag ng dalawang lider ng Simbahan ay nagpapakita ng lumalawak na suporta para kay Bishop Mangalinao habang kinakaharap nito ang mga legal na usaping kaugnay ng kanyang adbokasiya para sa kalikasan at pagtatanggol sa mga komunidad na apektado ng mga suliraning pangkapaligiran.

Batay sa ulat, kinasuhan si Bishop Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates, dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation (NLMRC) sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Nakasentro ang usapin sa planong exploration sa 4,456-hektaryang lupain na sumasaklaw sa mga lugar ng Pao, Kakidugen, Pacquet, Dine at Catarawan sa Kasibu.

Patuloy namang hinihikayat ng mga opisyal ng Simbahan ang mga mananampalataya na ipanalangin ang Diocese of Bayombong at si Bishop Mangalinao, habang naninindigan sa pananagutan ng bawat isa na pangalagaan ang sangnilikha bilang bahagi ng kanilang pananampalataya at moral na tungkulin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,021 total views

 18,021 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,103 total views

 51,103 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,454 total views

 79,454 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,184 total views

 147,184 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,929 total views

 168,929 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top