Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Wake up, people of this nation!”

SHARE THE TRUTH

 1,479 total views

Ito ang masidhing panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino kasunod ng magkakasunod na pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang mga bundok na nilikha ng Maykapal ay likas na pananggalang laban sa mga sakuna tulad ng malalakas na bagyo at pagguho ng lupa.

“Our mountains protect us from fierce storms, yet we continue to destroy them. When we carve the mountains without conscience, mine them recklessly, or lay them bare, we weaken the very barrier that keeps our communities safe,” ayon kay Archbishop Uy.

Ipinaliwanag din ng arsobispo na ang mga kagubatan ay may mahalagang papel sa pagpigil ng pagbaha. Ang mga ugat ng puno ay sumisipsip ng tubig-ulan, habang ang mga sanga at dahon ay nagbibigay proteksyon sa kapaligiran at sa mga komunidad.

Gayunman, binigyang-diin ni Archbishop Uy na patuloy na nasisira ang likas na yaman dahil sa walang habas na pagmimina, illegal logging, at iba pang gawaing nakapipinsala sa kalikasan, mga sanhi ng flashfloods, malawakang pagbaha, at pagguho ng lupa tuwing may kalamidad.

“My dear people, we must change our ways. We cannot keep repeating the same mistakes and expect different results. Creation is not our property to exploit, but God’s gift to nurture. Its wounds are calling out. Creation is crying and we must listen,” giit ni Archbishop Uy.

Hindi pa man ganap na nakababangon ang mga Cebuano mula sa epekto ng magnitude 6.9 na lindol, ay muling sinubok ang lalawigan ng Bagyong Tino, na nagdulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 224 katao ang nasawi dahil sa bagyo, mahigit 100 rito ay mula sa Central Visayas, partikular sa Cebu.

Ang Bagyong Tino ang itinuturing na pinakamapaminsalang bagyo sa lalawigan sa loob ng tatlong dekada, mula nang manalasa ang Bagyong Ruping noong dekada 90.

Nanawagan ang arsobispo sa lahat ng mamamayan na magkaisa sa pangangalaga ng kalikasan para sa kapakanan ng kasalukuyan at ng susunod na henerasyon.

“Let us return to the heart of our faith—a heart that respects life, protects the poor, and honors the Creator by caring for His creation. Let us plant trees, protect our mountains, guard our rivers, and hold leaders accountable. Let every parish, every family, every youth, and every leader become a guardian of our common home,” dagdag ni Archbishop Uy.

Samantala, bagaman umabot sa kategoryang super typhoon ang Bagyong Uwan na nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon, nakatulong naman ang Sierra Madre mountain ranges upang mapahina ang epekto nito sa pagtama sa kalupaan.

Sa huli, ipinaabot ni Archbishop Uy ang kanyang panalangin para sa kaligtasan, katatagan, at pagkakaisa ng bawat Pilipino sa harap ng mga sakunang patuloy na humahamon sa bansa, kasabay ng panawagang tulungan at lingapin ang mga apektadong residente.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 4,090 total views

 4,090 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 50,620 total views

 50,620 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 88,101 total views

 88,101 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 120,069 total views

 120,069 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 164,781 total views

 164,781 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Wake up, people of this nation!”

 1,482 total views

 1,482 total views Ito ang masidhing panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino kasunod ng magkakasunod na pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top