Walang responsableng pagmimina.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,082 total reads

Binigyan diin ni Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera na hindi totoo ang responsableng na katwiran ng pamahalaan sa patuloy na pagpapahintulot sa industriya ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Garganera, maituturing na fake news ang responsible mining dahil pinaganda lamang nito ang tawag ngunit hindi pa rin nangangahulugang ligtas na ang kalikasan sa pagkapinsala.

“Ang pagmimina kasi ginagawa mo sa isang lugar na hindi lang ‘yung Philippine Mining Act ang pinapatupad dun. Nandoon din ang Indigenous Peoples Rights Act, ang Clean Air Act, Clean Water Act, ang Protected Area Law, at even ‘yung Local Government Code. Lahat ng batas na ‘yun ay dapat kilalanin at respetuhin ng isang responsableng minero.” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit din ng opisyal na karamihan sa mga nagsasagawa ng large-scale mining sa bansa ang mas madalas lumalabag sa environmental laws.

“Yun ang tingin namin na malinaw na dahilan para sa amin kung bakit hindi kami naniniwalang may responsableng pagmimina. Kasi ang daming cases na either nilabag nila ang environmental laws natin or sila mismo na mining company, hindi nila tinutupad ‘yung kanilang contractual obligations.” ayon kay Garganera.

Hinamon naman ni Garganera ang Department of Environment and Natural Resources at mga mining company na magkaroon ng talakayan upang mapagtuunan at mabigyang-linaw ang tunay na kahulugan ng responsible mining.

Hinamon din ni Garganera ang mga mambabatas na lumikha ng mga bagong batas na susuporta sa kasalukuyang Philippine Mining Act upang mapigilan ang pagpasok ng mga malalaking korporasyong pumipinsala sa inang kalikasan.

Sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariing tinututulan ng Santo Papa ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa mga apektadong komunidad.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,510 total reads

 11,510 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,855 total reads

 194,855 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,587 total reads

 226,587 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,410 total reads

 328,410 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,967 total reads

 368,967 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,648 total reads

 381,647 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 141,975 total reads

 141,975 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top