Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

15-percent na value added tax, pasakit sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

 190 total views

Pasakit sa mga consumer at micro entrepreneurs ang plano ng incoming Duterte administration na itaas sa 15-percent ang value added tax o VAT mula sa kasalukuyang 12-percent.

Tiniyak ni Employer’ Confederation of the Philippines (ECOP) chairman emeritus Donald Dee na higit na maapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa balakin.

“Alam naman natin na gustong mangyari ng bagong administrasyon na i–adjust ‘yung income tax rate, ibaba ‘yung buwis, ‘yung percentage ng income tax. Bababa rin ‘yung revenue, ‘yung kikitain ng gobyerno, ang kanilang iniisip paano nila marerekober ‘yung mawawala sa aming mga negosyante, kasi madalas naming sinasabi ang solusyon po diyan ay hindi i–transfer ‘yung burden nung mataas na income tax ilalagay natin sa tama ngunit ipapasa naman natin sa consumption tax, ang taumbayan tatamaan pa rin,” pahayag ni Dee sa panayam ng Veritas Patrol.

Nakikitang solusyon naman ni Dee ay ang panghihikayat pa sa mga investors na mamuhunan sa bansa upang lumakas ang ekonomiya ng bansa at makapaglikha pa ng maraming trabaho.

“Ang talagang solusyon diyan ay ayusin natin ang ekonomiya para magkaroon tayo ng madaming investment lumaki ang ating ekonomya, magkaroon ng mas madaming trabaho. Para ‘yung investment na ‘yun ay dun tayo kikita, dun tayo makakabawi sa ating na mawawalan ng income dahil binabaan natin ang tax rate natin,” giit pa ni Dee sa Radyo Veritas.

Nabatid batay sa mga pag-aaral, lumabas na ang 30 hanggang 32 porsiyento na pagpapataw ng buwis sa sahod sa Pilipinas ang isa sa pinakamataas kumpara sa iba pang bansa sa Asya.

Isinusulong naman ng panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na laging alalahanin ang kabutihang pangkalahatan sa anumang paggalaw sa presyo ng panginahing bilihin sa merkado.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,827 total views

 9,827 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,927 total views

 17,927 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,894 total views

 35,894 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,214 total views

 65,214 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,791 total views

 85,791 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 20,155 total views

 20,155 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,378 total views

 102,378 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top