168 total views
Pabor ang election watchdog na Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa kautusan ng Korte Suprema na magbigay ng resibo ang Commission on Elections sa mga botante sa darating na halalan.
Ayon kay Atty. Rona Ann Caritos, acting executive director ng grupo, ito ay dahil sa magdadagdag ito ng kredibilidad sa resulta ng eleksyon.
Gayunman, nababahala sila sa magiging epekto nito sa Comelec kung kakayanin pa nila ito dahil sa maikling panahon ng kanilang paghahanda.
Aminado rin silang posibleng makaapekto ito sa paghahanda ng Comelec lalo na at on going na ang training sa mga board of election inspectors (BEIs).
Sinabi ba ni Atty. Caritos na malaking hamon din sa komisyon na masigurong hindi magagamit sa vote buying ang ilalabas na resibo ng mga vote counting machines (VCM).
“Yung sa resibo, kailangan makita natin kung paano nakita ng makina ang mga boto natin, natutuwa kami since December pinapanagawan na naming yan sa Comelec, pero ikinatatakot naming na baka maging cause for delay yan ng paghahanda ng ahensiya.” Pahayag ni Caritos sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Caritos dapat naman isapubiko ng Comelec ang sinasabi nilang madadagdagan ng 10 oras ang halalan kapag nagprint pa ng resibo.
“Nag-conduct sila ng study, dapat ipakita ng Comelec kung gaano talaga katagal o kadami kung ilang oras ang pagprint ng resibo sa taong bayan, mahirap kapag nadedelay lalong nagkakaroon ng aberya ang halalan lalo na kapag gumagabi na” pahayag pa ni Atty. Caritos.
Wala namang magagawa ang komisyon kundi ang sumundo sa itinakdang ito ng SC.
Una ng inihayag ni Comelec chairman Andres Bautista na hindi nila isinasantabi ang desisyon ng Korte Suprema na mag-isyu ng resibo sa Mayo 9, 2016 elections, gayunman, marami ang maging epekto nito sa kanilang paghahanda.
Isa na dito ay ang tatalakayin ng Comelec en banc ay kung maaaring bumalik sa ma¬nual elections ang darating na halalan.
Nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante ng 2016 elections kumapar sa 52 milyon noong 2013.
Una ng nanawagan ang Simbahng Katolika sa mga botante na ihalal lamang ang mga kandidatong maka-kalikasan, maka Diyos at maka-mahirap.
Political