Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

2nd Migrants Family summit, pinangunahan ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

 4,860 total views

Patuloy na sinisikap ng Diyosesis of Cubao ang pagpapatibay sa pamilya ng mga Filipino migrants at seafarers.

Ito ang tiniyak ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa paggunita ng simbahan sa huling linggo ng Setyembre bilang National Refugees, Migrants and Seafarers Sunday.

Ayon sa Obispo, handa ang simbahan higit ang kanyang pinamumunuang Diyoses na kalingain ang mga refugees at naiwang pamilya ng mga Filipino migrants at seafarers.

Bilang pagkilala, idinaos ng Diocese of Cubao ang 2nd Migrants Family Summit kung saan tinipon ang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker upang pasalamatan at mapalalim ang kaalaman hinggil sa kalagayan ng mahal sa buhay na nasa ibayong dagat.

“Sa araw ng mga migrants and refugees and seafarers nag-aapela tayo na ipanalangin lahat ng mga pamilya ng mga refugees, migrant workers, seafarers kasi hindi madali ang nasa ibang bansa, hindi madali yung nakahiwalay sa pamilya, so kanilang ng panalangin para laging buo ang pamilya ng mga refugees, migrants, ng mga seafarers kasi ang yaman ng tao ay nasa pamilya, wala sa materyal na bagay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.

Lubos na nagpapasalamat si Sister Melde Melona Fabe Gamonez – Cubao Diocesan Lay Coordinator of the Migrants Ministry kay Bishop Ongtioco at sa pamilya ng mga O-F-W, kawani at iba pang nakiisa sa pagtitipon.

Inihayag ni Gamonez na 29 mula sa 49 na parokyang kabilang sa diyosesis ang mayroon ng mga Migrant Ministry coordinator.

Sa datos ng United Nations High Commissioner for Refugees noong 2022, aabot sa 108.4-million ang bilang ng mga refugee sa buong mundo na kinailangang lumikas ng dahil sa sigalot, digmaan at pagkasira ng kanilang tahanan.

Sa survey ng Philippine Statistic Authority, mahigit na 2-milyong ang pinakahuling bilang ng mga Overseas Filipino Workers, Filipino Migrants at mga OFW na walang working visa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,884 total views

 15,884 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 24,552 total views

 24,552 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,732 total views

 32,732 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,731 total views

 28,731 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,782 total views

 40,782 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,423 total views

 9,423 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,934 total views

 7,934 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top