Cardinal Advincula, nagpapasalamat sa aktibong pakikibahagi ng mananampalataya sa simbang gabi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,021 total reads

Liwanag, kapunuan at pagsasama-sama.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagidiriwang ng mga Pilipino ng simbang gabi o siyam na araw na misa nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria bilang paghahanda sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

Sa panayam ng Radio Veritas, ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na si Hesus ang ilaw na nagbibigay sa sanlibutan puno ng dilim bunsod ng karahasan at kasamaan gayundin ang nagpupuno sa anumang kakulangan ng tao.

“Si Hesus ang liwanag ng daigdig na tatanglaw sa atin. Si Hesus ang tinapay ng buhay na bubusog sa ating mga gutom. Si Hesus ang Emmanuel na kalakbay at kakampi natin sa buhay.” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Pinuri ng arsobispo ang pagiging masigasig ng mga Pilipino sa pagdalo ng mga Misa De Gallo at Simbang Gabi na nagpapakita ng kagalakan ng bawat isa sa pagdating ni Hesus.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang mga karanasan tuwing simbang gabi ang dahilan sa pagiging masigasig ng mamamayan upang buuin ang pagdalo sa siyam na araw na nobenaryo.

“Ito’ng alok na karanasan sa atin ng simbang gabi tulad ng liwanag, kabusugan at pagsasama-sama, na siya ring dahilan marahil kung bakit sa kabila ng mga paghihirap at krisis na dinaranas nating mga Pilipino, patuloy tayong bumabalik sa mga simbahan para sa simbang gabi. Dahil marahil ang tatlong karanasan na ito, ang siyang pinakaaasam din natin at kinakailangan natin.” pahayag ng Cardinal.

Umaasa naman si Cardinal Advincula na hindi lamang sa mga simbang gabi aktibo ang mananampalataya kundi sa bawat araw o linggong pakikibahagi sa Eukaristiya.

December 16 nang simulan sa bansa ang tradisyunal na Misa De Gallo bilang paghahanda ng mga Pilipino sa araw ng Pasko.

Ngayong taon ay msa niluwagan ng pamahalaan ang restriksyong dulot ng COVID-19 na mahigpit ipinatupad sa nakalipas na dalawang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 37,918 total reads

 37,918 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 77,499 total reads

 77,499 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 184,378 total reads

 184,378 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 229,042 total reads

 229,042 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 249,293 total reads

 249,293 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top