Marcos dictatorship, isama sa student curriculum.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Isama sa curriculum ng mga estudyante at mga history book ang kasaysayan ng Marcos dictatorship.

Ito ang panawagan ni Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba sa Department of Education upang maunawaan ng lubusan ng mga mag – aaral ang kaganapan na nangyari sa panahon ng rehimeng Marcos.

Umaasa si Bishop Mayugba na sakaling rebyuhin ang mga history books ay maisama ang ilang sektor sa lipunan pati ang Simbahan, mga anti at pro Marcos gayundin ang mga biktima ng diktaturyang Marcos.

“On that particular issue, of course that is about the Department of Education. The main responsible institution diyan ay ang education. Education and all other stakeholders of education including the Catholic Church and other sectors of civil society have a say on that. Kung ididikta natin kung ano ang dapat ituro from a sector whether from that we say anti or pro that is for the educational system, pag – aaralan. Kanya – kanyang expertise,” pahayag ni Bishop Mayugba sa panayam ng Veritas Patrol.

Ibinahagi ni Bishop Mayugba na sa kanilang diyosesis na balwarte ng Pamilyang Marcos, ang mga Ilokano ay nag – alay ng panalangin sa ikapayapa ng kaluluwa ng dating lider ng bansa.

“Dito sa amin ang pinagtuunan ng pansin ay iyong dasal ang aming aksyon ay religious in praying for the dead. Ipinagdasal for the repose of the soul of the late president,” giit ni Bishop Mayugba sa Radyo Veritas.

Noong Biyernes naihimlay na sa LNMB si Marcos.

Naitala ng Amnesty International ang may 70,000 tao na ikinulong, 34,000 ang biktima ng torture at 3,240 ang pinatay mula 1972 hanggang 1981 sa panahon ng martial law.

Samantala, muli na namang maglulunsad ng kilos protesta ang ilang mga Catholic schools and universities upang tutulan at ipahukay ang labi ng dating diktador sa LNMB.

Bukod dito nauna na ring hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga paaralan na laging ipamulat sa mga kabataan ang tunay na nangyari noong dekada ‘70.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,453 total views

 54,453 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,322 total views

 50,322 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,524 total views

 86,524 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,999 total views

 94,999 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,768 total views

 119,768 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,781 total views

 80,781 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,946 total views

 270,946 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top