Kabayanihan ang pagtulong sa kapwa—Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,023 total reads

Ang lahat ay maituturing na bayani ng kapwa.

Ito ang binigyang diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines sa paggunita ng 126th death anniversary ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa Obispo ang pagpapamalas ng pagmamahal, pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa kongkretong pagpapakita ng pagmamahal sa bayan na isa sa pangunahing katangian ng isang bayani.

Tinukoy ni Bishop Bagaforo ang pagtugon ng bawat isa sa kalagayan ng nasalanta ng malawakang pagbaha dulot ng masamang panahon sa Eastern Visayas gayundin sa malaking bahagi ng Mindanao.

“Lahat po tayo ay bayani ng ating mga kapwa, kaya ang napakagandang pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan at ang pagpapakita ng halimbawa ng ating mga bayani ay ang pag-aalay kapwa natin lalong lalo na sa mga nasalanta ng sama ng panahon [bagyo], biktima at maraming naghihirap. Makibahagi po tayo at mag-alay kapwa yan po ang mga katangian ng isang mga bayani katulad nating mga Filipino,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Bishop Bagaforo na bilang social action at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay unang nakapagpaabot ng tulong pinansyal ang Caritas Philippines sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa pamamagitan ng social action center ng iba’t ibang diyosesis sa mga apektadong lugar.

Tiniyak ng Obispo na hindi dapat mabahala at mawalan ng pag-asa ang mamamayan sa pagmamahal ng Diyos sapagkat hindi pababayaan ng Simbahan ang mamamayang nangangailangan ng tulong at ayuda sa oras ng mga pagsubok.

“Huwag po kayong mabahala ating mga kababayan na nasalanta ng sama ng panahon [bagyo] hindi po naming kayo makakalimutan at ang tulong ay handa naming ipaabot sa inyo, at huwag po tayong mawalan ng pag-asa sa pagmamahal ng Diyos sa atin at ito ay isa na namang pagsubok,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na dahil sa panigong kaso ng malawakang pagbaha dulot ng sama ng panahon ay higit ng mabuksan ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang mga nagaganap na flashfloods, landslides at malawakang pagbaha sa mga komunidad ay bunga ng kawalan ng balanse sa kalikasan na dulot na rin ng kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan at kapaligiran.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,048 total reads

 1,048 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,963 total reads

 22,963 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,524 total reads

 63,524 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,354 total reads

 90,354 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,619 total reads

 138,619 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,663 total reads

 159,663 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,051 total reads

 1,051 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,217 total reads

 8,217 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 26,370 total reads

 26,370 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »
Scroll to Top