BFP, dinalaw ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,826 total reads

Ikinagalak ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection na mapabilang ang BFP National Headquarters sa Quezon City sa mga tanggapang dinalaw ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Ayon kay BFP Post Chaplain Fr. (SInp) Raymond Tapia, CHS, nagpapatunay ito na hindi pinababayaan ng Panginoon ang bawat isa lalo na ang mga naglilingkod sa kapakinabangan ng mamamayan.

Sinabi ng pari na ang pagdalaw ng poon ay paalala sa mga bombero na ipagkatiwala sa Panginoon ang kanilang mga sarili lalo na sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

“Magandang mensahe sa pagdalaw ng poon na kaming mga bombero ay ilagay namin ang aming mga sarili sa kamay ng Poong Hesus Nazareno sa gitna ng hirap na dinadanas ng ating bansa, sa paggawa at pagtupad namin sa tungkulin namin ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ang magiging lakas namin; paalala sa amin na hindi kami iniiwan ng Diyos ituloy lang namin ang aming ginagawa,” pahayag ni Fr. Tapia sa panayam ng Radio Veritas.

Isa ang BFP Chaplaincy sa mga tanggapang bahagi ng ‘Dalaw Nazareno 2023’ kung saan inilibot ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang replica image ng poon sa mga simbahan at tanggapan sa Metro Manila at Luzon.

Ito ang inisyatibo ng basilica na sinimulan noong 2021 makaraang ipagpaliban ang nakagawiang Traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.
Bagamat unti-unting ibinabalik ang ilan sa mga gawain sa kapistahan ng poon sa January 9 ay minarapat ng basilica na ipagpatuloy ang Dalaw Nazareno upang mabigyang pagkakataon ang mga deboto sa labas ng Manila na matunghayan ang Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Dumalo sa pagdalaw ng Poong Nazareno ang mga opisyal at kawani ng BFP gayundin ang mga deboto sa karatig tanggapan tulad ng Ombudsman.

Pinangunahan ni Fr. Tapia ang banal na misa sa St. Florian Chapel katuwang si Deputy Chaplain Fr. Gil Rochar Dulay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 120,481 total reads

 120,481 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 164,450 total reads

 164,450 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 214,204 total reads

 214,204 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 373,400 total reads

 373,400 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 395,062 total reads

 395,062 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top