Mahusay na edukasyon, pangako ng Pasig Catholic College sa mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,906 total views

Patuloy na gagampanan ng Pasig Catholic College (PCC) ang pagsisikap na makapagbahagi ng mahusay na edukasyon at pagtuturo ng mabuting katangian para sa mga kabataan.

Ito ang pangako ni PCC President at Pasig Diocesan Schools System (PaDSS) superintendent Fr. Daniel Estacio kasabay ng pagdiriwang sa 110th Founding Anniversary ng institusyon.

Ayon kay Fr. Estacio, mananatili ang PCC bilang epektibong kasangkapan ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon, gayundin ang paghuhubog sa mga kabataan upang maging mabubuting kristiyanong tagasunod ni Kristo.

“The mission of Pasig Catholic College is evangelization. It is the right arm of the church in terms of evangelization sa mga kabataan—paghuhubog sa kanila. And we provide quality catholic education that combines academic excellence with moral and spiritual values in order for the person to become a person of character and competence,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nagpapasalamat naman si Sacred Heart of Jesus Chapel, Rockwell Makati chaplain Fr. Rolando Garcia, Jr., dahil sa naging malaking tungkulin ng PCC sa paghuhubog sa kanyang pananampalataya tungo sa pagiging ganap na pari ni Kristo.

Si Fr. Garcia ay nagtapos ng elementarya sa PCC noong 1989 at dito rin unang tinanggap ang banal na pakikinabang.

“I am very grateful to this institution for inculcating in me strong faith in our Lord. Sapagkat dito sa PCC talaga, inalagaan ‘yung aming buhay-pananampalataya. Masasabi ko na dito ko unang nakilala si Hesus of course through our religious education,” pahayag ni Fr. Garcia.

Tagubilin naman ng pari sa mga mag-aaral ng PCC na isaisip at isapuso ang mga natutunan sa paglagi sa institusyon dahil ito’y mapapakinabangan sa pag-abot sa mga pangarap sa buhay, gayundin ang paghubog ng pananampalataya sa Panginoon.

“Don’t take for granted everything that PCC is offering to you with regards to your formation in faith. Sana bago kayo magtapos sa paaralang ito, talagang masasabi ninyo—kilala ko si Hesus, mahal ko Siya, at handa ko Siyang sundan,” saad ni Fr. Garcia.

Tema ng ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag sa institusyon ang Synodos: Journeying Together as One in Faith, Hope, and Love.

Taong 1913 nang itatag ang PCC ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary o CICM Missionaries sa pangunguna ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,577 total views

 13,577 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,591 total views

 63,591 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,460 total views

 59,460 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,656 total views

 95,656 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,791 total views

 103,791 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top