Senador Padilla, nanindigan sa pag-amyenda ng economic provision ng 1987 constitution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,657 total reads

Nanindigan si Senator Robin Padilla na nararapat baguhin ang ilang probisyon sa Saligang Batas para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

Sa panayam ng Radio Veritas binigyang diin ng chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na dapat amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution sapagkat sinasamantala lamang ito ng iilang indibidwal lalo na ang larangan ng pagni-negosyo.

“Magandang maunawaan ng mga mamamayan na itong isinusulong natin na amyenda sa economic provision ay para magkaroon ng magandang kompetisyon sa negosyo at magkaroon ng maraming trabaho ang ating mga kababayan,” pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.

Nitong March 9, 2023 nagsagawa ng ikalawang public hearing ang komite ni Padilla na ginanap sa Baguio City upang alamin ang panig ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor dito sa usapin ng charter change.

Sa nasabing pagtitipon kapwa sinang-ayunan ng opisyal ng. National Economic Development Authority o NEDA at ng Commission on Elections kung sa prosesong Constituent Assembly o Con-Ass ang paraan ng pag amyenda sa halip na Constitutional Convention.

Ayon kay Neda Director of Governance Staff Atty. Reverie Pure Sapaen nasa 46-milyong piso ang gagastusin ng pamahalaan kung isasabay ang plebesito ng Con-Ass sa Barangay at SK Elections habang halos 14 na bilyong piso naman kung ihihiwalay.

Sinabi pa ni Sapaen na kung Constitutional Convention naman aabot sa 15-bilyong piso ang pondong kakailanganin kasabay ng Barangay Elections habang halos 29 na bilyong piso kung ihiwalay sa halalan.

Samantala iginiit ni Padilla na bagamat hindi tugma ang ninanais ng dalawang kapulungan ng kongreso iisa pa rin ang hangarin nitong repasuhin ang nilalaman sa economic provisions.

“Medyo dito sa dalawang bagay [Con-Ass at Con-Con] naghihiwalay ang dalawa [Kapulungan]. Pero ang magandang balita parehas po na gustong magkaroon ng amyenda sa Saligang Batas,” ani Padilla.

Kamakailan ay nagkasundo ang 301 mambabatas ng mababang kapulungan para sa Constitutional Convention na proseso ng pag amyenda sa konstitusyon.

Bago ang public hearing sa Baguio City nagsagawa ng awareness ride o Arangkada para sa Chacha si Padilla kasama ang grupo ng mga bikers mula Tarlac patungong Baguio at nag courtesy call din ito kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tiniyak ang suporta sa amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.

Gayunpaman nanindigan ang simbahan na hindi pa napapanahon pagtuunang pansin ang pagbabago ng konstitusyon sa halip ay tutukan ang pangunahing suliranin ng bansa tulad ng kahirapan, kagutuman, kawalang sapat na kita at patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,310 total reads

 9,310 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,299 total reads

 45,299 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,705 total reads

 101,705 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,959 total reads

 224,959 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top