Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bayanihan spirit sa epekto ng oil spill sa Mindoro, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 2,244 total views

Binigyang-diin ng Stella Maris-Philippines na dapat isaalang-alang ang pagtugon sa epekto ng oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Bishop Promoter ng Stella Maris-Philippines Balanga Bishop Ruperto Santos, hindi lamang nakasalalay sa mga shipping company ang pananagutan sa insidente, kundi maging sa pamahalaan at mga industriya.

Dagdag ni Bishop Santos na kinakailangan na ang agarang paghahanda at pagkilos para sa prevention, restoration, at clean-up efforts.

“Enforce stringent standards to safeguard everyone’s safety. Integration precautionary measures should be part of daily operations,” pahayag ni Bishop Santos.

Ikinalulungkot naman ng Obispo ang pinsala ng pagtagas ng langis sa mga yamang-dagat, maging sa mga mangingisdang ang hanapbuhay ay nagmumula sa dagat.

Panawagan ni Bishop Santos na agad na ipatupad ang mga pamamaraan para sa pagpapanatili at pagpapanubalik ng marine habitat upang mapigilan ang karagdagang panganib at pinsala ng oil spill.

Gayundin ang pagtulong sa mga apektadong mangingisda sa pamamagitan ng mga pagsasanay na magbibigay ng pansamantalang hanapbuhay hanggang sa matiyak na ligtas na muling mangisda.

Nagpapasalamat naman si Bishop Santos sa mga patuloy na tumutulong upang mapadali ang pagpapanumbalik sa napinsalang karagatan at kalikasan.

“Finally, we want to express our heartfelt gratitude and appreciation to the individuals and sectors who are helping and are continuing to become a part in this process of restoration and rehabilitation,” ayon kay Bishop Santos.

Pebrero 28, 2023 nang tumaob sa karagatan ng Oriental Mindoro ang MT Princess Empress dala ang 900-libong litrong industrial fuel, na naging dahilan ng patagas ng langis na umabot na sa mga karatig na lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,735 total views

 14,735 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,403 total views

 23,403 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,583 total views

 31,583 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,594 total views

 27,594 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,645 total views

 39,645 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,292 total views

 9,292 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,569 total views

 10,569 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,980 total views

 15,980 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top