Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga sa Yamang Tubig ng Bansa

SHARE THE TRUTH

 977 total views

Sa ating bansa, napakahalaga ng water resource management o pangangalaga sa yamang tubig. Kapanalig, ang dami nating industriya na napaka-dependent sa tubig. Kapag magkaroon tayo ng kahit konting problema sa water supply, napakalaking epekto nito agad sa lokal at nasyonal na ekonomiya.

Tingnan mo na lamang kapanalig sa sektor ng agrikultura. Konting problema lamang sa water supply sa sektor, babagsak na agad ang produksyon – gutom ang magsasaka, pati mga mamamayan gutom din dahil dito tayo kumukuha ng ating food sources.

Siyempre napakahalaga ng pangangalaga ng tubig sa fisheries sector. Kada magkakaroon ng polusyon o anumang aberya sa karagatan, babagsak din ang harvest ng mga mangingisda. Gutom sila, gutom din tayo dahil isa rin ito sa ating food sources.

Kaya nga maraming nababahala ngayong panahon ng El Nino. Tinatayang mararamdaman natin ang epekto nito ngayon Hunyo hanggang Agosto, at maaaring mas lumubha pa pagdating ng unang sangkapat o quarter ng 2024. Kapanalig, naghahanda na ang pamahalaan para sa posibleng epekto nito sa ating bayan. Tama lamang ito, pero sana, mayroon din tayong long-term planning ukol sa pangangalaga ng yamang tubig ng bansa.

Ang ‘Ensuring availability and sustainable management of water and sanitation for all’ ay Sustainable Development Goal Number 6 ng United Nations. Ang tiyak na malinis at sustainable na supply ng tubig ay esensyal sa ating buhay kapanalig, kaya’t marapat lamang na hindi patse-patse ang ating pagtugon sa napipintong kakulangan sa tubig. May El Nino man o wala, ang buong mundo ay humaharap sa isang nagbabantang global water crisis. Ang global demand para sa freshwater ay sosobra na ng 40% sa kayang isupply ng mundo pagdating ng 2030. Pitong taon na lamang yan, kapanalig. Ayon sa mga eksperto, mali ang pag-gamit natin sa tubig, dinudumihan pa natin ang tubig, at binabago pa natin ang global hydrological cycle dahil sa gawain nating nagdudulot ng climate change.

Bilang mahirap at maliit ng bansa, ang mga bayang gaya natin ang mas magdudusa sa anumang water shortage. Ayon nga sa Laudato Si, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Water is a scarce and indispensable resource and a fundamental right which conditions the exercise of other human rights. Kaya kapanalig, napakahalaga na mayroon tayong long-term water resource management, hindi lamang mga knee-jerk reactions sa mga dumarating na krisis sa ating bayan. Napakahalaga sa atin ngayon ng collective action at long-term planning para masiguro na tiyak ang supply ng ating tubig – at hindi lamang tiyak kapanalig, ha, kundi abot-kaya at abot-kamay. Mahirap yung may suplay nga pero mahal ang singil. Ang tubig, kapanalig, ay common good, at dapat ito ay mapag-yaman at mapangalagaan para sa lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 32,665 total views

 32,665 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,829 total views

 43,829 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,921 total views

 79,921 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,723 total views

 97,723 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 1,478 total views

 1,478 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Para saan ang confidential funds?

 32,667 total views

 32,667 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,831 total views

 43,831 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,923 total views

 79,923 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,725 total views

 97,725 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 102,028 total views

 102,028 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 104,584 total views

 104,584 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 106,962 total views

 106,962 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 94,826 total views

 94,826 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 129,591 total views

 129,591 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »
1234567