Decriminalization of Marijuana, iginigiit sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,985 total reads

Muling iginiit ni Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez ang pagsusulong sa medical marijuana o cannabis bilang alternatibong gamot sa mga karamdaman.

Ayon kay Alvarez, hindi maibibilang sa mga ipinagbabawal na gamot ang marijuana dahil napatunayan sa iba’t ibang pagsusuri ng mga eksperto na may kakayahan itong makagamot ng mga malalang karamdaman tulad ng cancer.

Ang pahayag ng kongresista ay kaugnay sa ginanap na media health forum na inorganisa ng Bauertek Corporation sa pangunguna ng general manager na si Richard Nixon Gomez.

Si Alvarez ang dating House Speaker sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at siyang may akda ng House Bill No. 6783 o Decriminalization of Marijuana na kasalukuyang nasa pagdinig na ng Dangerous Drugs Committee ng Kongreso.

Hinihiling ni Alvarez na mabigyan ng pagkakataon sa kongreso na maipasa ang panukala hinggil sa medical marijuana dahil posibleng makatulong ito hindi lamang sa mga may karamdaman, kundi maging sa sektor ng ekonomiya at agrikultura ng bansa.

Tinukoy naman ni Bauertek general manager Richard Nixon Gomez na maliban sa mga uri ng cancer ay maaaring magamot ng medical cannabis ang anxiety and depression, Parkinson’s disease, heart disease, at iba pang sakit.

Paliwanag ni Gomez na ang proseso sa paggawa ng gamot mula sa marijuana ay tinatanggal ang kemikal na tetrahydrocannabinol (THC) na pangunahing sanhi ng negatibong epekto sa utak at immune system.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilegal na droga ang shabu, cocaine, marijuana, ecstacy, at solvent.

Una nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 203,880 total reads

 203,880 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 231,292 total reads

 231,292 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 265,413 total reads

 265,413 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 321,817 total reads

 321,817 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 184,015 total reads

 184,015 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top