Rector ng San Pablo seminary, itinalagang Diocesan administrator ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,913 total reads

Itinalaga ng Diocese of Baguio si Rev. Fr. Roland Buyagan bilang Diocesan administrator.

Tungkulin nitong pangasiwaan ang diyosesis habang nanatiling “sede vacante” hanggang magtalaga ang Santo Papa Francisco ng kahalili ni Bishop Victor Bendico na kasalukuyang arsobispo ng Capiz.

Ang Diocesan Administrator ay inihalal ng College of Consultors ng diyosesis o itinatalaga ng arsobispo ng metropolitan suffragan sa panahong nababakante ang diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at bikaryato.

Si Fr. Buyagan ang kasalukuyang Rector ng San Pablo Seminary at Parish Priest ng Divine Mercy Parish sa Atab, Baguio City.

Kabilang sa mga gawain ng Diocesan Administrator ang pangunguna sa mga Banal na Misa, paggawad ng sakramento at iba pang gawain na karaniwang pinangungunahan ng obispo; pamamahala sa administrasyon ng diyosesis, mga kawani ng chancery office, mga usaping pinansyal kabilang na ang ilang administrative decisions; magiging gabay sa mga desisyong gagawin ng diyosesis sa ilang usapin, at; gabayan ang nasasakupang mananampalataya lalo na sa pananalangin sa proseso ng pagkakaroon ng bagong pinunong pastol.

Matatandaang noong Marso ay itinagala ni Pope Francis ang dating obispo ng Baguio bilang ikaapat na arsobispo ng Capiz kung saan noong May 3 ay pormal na iniluklok si Archbishop Bendico sa Cathedra ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 203,838 total reads

 203,838 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 231,253 total reads

 231,253 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 265,374 total reads

 265,374 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 321,778 total reads

 321,778 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top