Pabahay sa mga Pilipino, misyon ng PAG-IBIG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,779 total views

Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pagpapalawak ng programa para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.

Ito ang mensahe ni Pag-IBIG Fund Deputy Chief Executive Officer for Member Services Cluster Alexander Hilario Aguilar kasabay ng paglunsad sa ‘Asenso Rider Raffle Promo’ nitong May 25.

Ayon sa opisyal ito ang mithiin sa pagtatag ng Pag-IBIG Fund upang tulungan ang mga Pilipino sa basic needs tulad ng bahay.

“Ang Pag IBIG po ay ginawa ng batas para pagsilbihan ang mga manggagawa ang atin pong dalawang basehang serbisyo ay ang savings yung pagkakaroon ng kumikitang dividendo o kumikitang pag-impok at pangalawa yung housing program natin na kung saan kung ikaw ay member ikaw ay may karapatang magkaroon ng bahay.” ang pahayag ni Aguilar sa panayam ng Radio Veritas.

Sa inilunsad na programa benepisyaryo nito ang ang Transport Network Vehicle Service o TNVS Riders at Partner-Drivers ng App-Based Logistic Companies.

Nagagalak si Aguilar sa suporta ng TNVS Riders na layong maging miyembro ng Pag-IBIG Fund para mapakinabangan ang iba’t ibang programa na makatutulong sa kanilang mga pamilya lalo na sa pagkakaroon ng disenteng tahanang masisilungan.

Sa paglunsad ng programa isang TNVS Delivery Rider ang nanalo ng motorsiklo habang ang iba naman ay nanalo ng cellphone at helmet na karaniwang ginagamit ng isang TNVS rider.

Humigit kumulang sa isanlibong riders ang dumalo sa pagtitipon na sinimulan sa isang motorcade patungo sa isang mall sa Pasay City.

Pinangunahan ni Department of Human Settlement and Urband Development Secretary at Pag-IBG Fund Chaiman Jose Rizalino Acuzar at Pag-IBIG CEO Marilene Acosta ang paglagda sa kasunduan kasama ang mga opisyal ng App-Based Logistic Companies.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,548 total views

 53,548 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,417 total views

 49,417 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,619 total views

 85,619 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,125 total views

 94,125 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,956 total views

 118,956 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top