Nagtatanggol sa Simbahang Katolika, inaanyayahan sa CFD-NATCON 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,656 total views

Inaanyayahan ng Catholic Faith Defender ang mga kasapi na makiisa sa 46th Annual National Convention.

Ayon kay CFD National President Ryan Mejillano, ito ang pagkakataong magkaisa ang mananampalatayang nagtatanggol sa simbahang katolika.

“We pray that NATCON 2023 present an opportunity for all CFDs to demonstrate Christian unity and love,” bahagi ng pahayag ni Mejillano.

Aniya ang pagdalo sa pagtitipon ay pagpapatibay sa CFD Core Values na ‘ONE CFD’.

Isasagawa ang CFD NATCON 2023 sa June 10 hanggang 11 sa Naval Biliran kung saan bukas ito maging sa mga dating kasapi ng CFD.

Batid ng grupo ang mga kahinaan at kakulangan bilang tao subalit mahalagang isulong ang kapatirang nakaugat kay Kristo.

“Despite our failings, God is faithful and forgiving and continues to call us to unity. It is the will of God that His people, reconciled in the love of Christ through transforming power of the Holy Spirit, should live together in unity and peace,” pahayag ng grupo.

Batay sa kasaysayan 1938 nang simulan ni Fr. Undoy Reynes sa Cebu City ang pakikipagtalakayan at pagpapaliwanag sa doktrina ng simbahan sa mga indibidwal mula sa iba pananampalataya na kalaunan ay sinamahan ni Peter Cabaluna na may malalim at malawak na pag-aaral sa bibliya.

Lumipas ang mga taon nagpapatuloy ang mga pari at layko sa Cebu sa pagtatanggol sa pananampalatayang katoliko laban sa ibang mga relihiyong duda sa doktrina ng simbahan.

Sa kasalukuyan patuloy ang paninindigan ng CFD sa mga turo ng simbahan at ipinalalaganap sa buong pamayanan sa pagtutulungan ng mga pari at layko.

“It is our sincere prayer and plea that we, Catholic Faith Defenders of the Philippines, live with such love and unity in all things that it testifies to the World that we truly belong to Jesus,” giit ni Mejillano.

Ang CFD Philippines ay kasapi ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,057 total views

 46,057 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,926 total views

 41,926 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,128 total views

 78,128 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,865 total views

 86,865 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,288 total views

 112,288 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top