Kampanya laban sa paninigarilyo, paiigtingin ni Senator Cayetano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,785 total views

Tiniyak ni Senator Pia Cayetano ang pagpapaigting sa adbokasiyang magsusulong sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Ito ang mensahe ng mambabatas makaraang gawaran ng World No Tobacco Day (WNTD) Award ng World Health Organization kamakailan.

Ayon kay Cayetano isang karangalan ang pagkilala subalit batid ang kaakibat na tungkuling ipagpatuloy ang health advocacy sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

“It’s an honor, but I consider it a happy burden also that I will carry, as I continue to speak up about what we need to do, what we need to ban, and what we need to regulate, in any opportunity that I get.” bahagi ng pahayag ni Cayetano.

Inialay ng mambabatas ang natanggap na parangal sa kanyang mga magulang na sina late Senator Rene Cayetano at Sandra Cayetano na naghubog at nagturo sa kahalagahan ng malusog na pamumuhay.

Kilala ang mambabatas na nagsulong ng Sin Tax Reform Act at Graphic Health Warning Law upang paigtingin ang kampanya laban sa paninigarilyo na isa sa pangunahing sanhi ng malubhang karamdaman.

Pinasalamatan ni Cayetano ang mga grupong katuwang sa pagsusulong ng adbokasiya kabilang na sina Dr. Maricar Limpin, ang director ng Action on Smoking and Health (ASH) Philippines; Dr. Yul Dorotheo, executive director ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA); Dr. Antonio Dans, professor ng University of Philippines College of Medicine; at ang policy think-tank, Action for Economic Reforms.

Ayon kay WHO Representative Dr. Rui Paulo de Jesus ng Timor Leste ang pagkilala ay bunsod ng malaking ambag ni Cayetano sa tobacco control sa Pilipinas.

Sa datos ng Lung Center of the Philippines, 321 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa tobacco-related diseases habang walong milyon naman kada taon sa buong mundo kung saan mahigit sa pitong milyon dito ang direktang gumagamit ng tobacco at isang milyon ang second-hand smoke.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 60,633 total views

 60,633 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 93,715 total views

 93,715 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 122,066 total views

 122,066 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 189,798 total views

 189,798 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 208,726 total views

 208,726 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top