Mananampalataya, hinimok na ipanalangin ang Synod of Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,422 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na ipanalangin ang nalalapit na Synod of Bishops.

Sa ginanap na day of prayer para sa nasabing pagtitipon sinabi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na nawa’y magbunga ng higit na paglago bilang simbahan ang talakayan ng mga obispo, relihiyoso at mga layko.

“We need to pray seriously so that this Synod will become a new pentecost event for the universal church.” pahayag ni Bishop David.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang pagsasabuhay sa apostolikong simbahan ay ang mananampalatayang nagkakaisa sa misyong ipalaganap si Hesus sa bawat pamayanan.

Binigyang diin ni Bishop David na mahalagang isabuhay ng bawat binyagang kristiyano ang tema ng Synod on Synodality na ‘Communion, Participation and Mission’.

“We cannot be church if we are not in communion with one another,” saad ng obispo.

Itinakda ng Santo Papa Francisco ang unang bahagi ng Synod of Bishops sa October 2023 habang ikalawang yugto naman sa October 2024.

Ipinaliwanag din ni Bishop David ang pagkakataong itinakda ni Pope Francis ang day of prayer sa huling araw ng Mayo na tinaguriang Marian month bilang pagkilala kay Maria na Ina ng Diyos sapagkat nataon din ang sinodo sa Oktubre na Marian month sa pagparangal sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Ginanap ang Day of Prayer sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City na nilahukan ng 26 na shrine at minor basilica sa bansa/.
Bukod kay Bishop David dumalo rin sa pagtitipon si CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Antipolo Bishop Administrator Francisco De Leon, San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, mga pari at layko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 35,281 total views

 35,281 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 63,286 total views

 63,286 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 81,086 total views

 81,086 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 79,554 total views

 79,554 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 189,368 total views

 189,368 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 10,489 total views

 10,489 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top