Veritas 500 program, pagpapaigting ng pananampalatayang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Kailangan paigtingin ang pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas.

Ayon kay Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila, dahil sa modernong panahon kinakailangan gumamit na rin ng pamamaraan ng pagtuturo na naaayon din sa makabagong panahon.

Dagdag ng pari, mas mapapaigting ang pagsasakatuparan nito sa tulong na rin ng bawat mananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Veritas 500 Telethon 2016 bilang paghahanda sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Ayon kay Fr. Pascual, sa pagbahagi ng P500 kada taon, malaki ang maitutulong nito sa krusada na ipalaganap ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng multi-media (print, radio, TV and social media).

“Sa bagong panahon kailangan gumamit ng bagong pamamaraan ng pagtuturo kaya’t ang ating Veritas 500 ay sinimulan upang ipalaganap ang totoong pamumuhay ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng multi-media. Para suportahan ang ating krusada na ipalaganap ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng multi media, hingi tayo at least P500 but they can give more, P500 a year, para ipalaganap natin gusto natin marami ang magbigay… democratize natin na magaan ang magbigay at kayang-kaya ng lahat ang magbigay para matulungan ang ating krusada, P500 para sa 500 years,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Fr. Roy Bellen, vice president for Operations ng Radio Veritas, kinakailangan ang tulong ng Catholic media para sa Ebanghelisasyon lalo na ngayon na lumabas sa pag-aaral noong 2014 na isa lamang sa pitong Katoliko ang nagsisimba kung saan napakababa rin ng ratio ng pari sa malaking populasyon ng Pilipinas na umaabot lamang sa mahigit 6,000 pari para sa mahigit 100 milyong Filipino.

“Kaya’t hangad ng Radio Veritas na dadalhin natin ang Simbahan sa kanila sa pamamagitan ng media dahil kahit nasaan ka kahit anong oras maaari mong marinig ang Salita ng Diyos. Participation is very much important, sa mga liblib na lugar sa mga radio program dun sila nakikinig ng mga Salita ng Diyos, nakikinig ng reflection, in provinces buhay na buhay ang Radyo it gives them hope at umiiyak naman sila dahil hindi sila nakakapag-komunyon,” pahayag ni Fr. Bellen.

Ginaganap ngayon sa himpilan ang “Veritas 500 Telethon 2016” na may temang “Bringing Jesus to every Catholic home” na layuning humingi ng suporta sa bawat mananampalataya kung saan ang malilikom ay para tulungan na rin ang himpilan na palakasin ang social communications ministry ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Nakalikom na ang Veritas Telethon500 ng P230,000 hanggang alas 10:30 ng umaga na sinimulan alas 6:00 ng umaga at magtatapos alas 6:00 ng gabi.

Ang mga dayuhang kastila ang nagpakilala ng Kristiyanismo sa bansa noong 1521. Isang Portugese na nagngangalang Ferdinand Magellan ang naglayag at namuno sa ekspedisyon sa ilalim ng watawat ng Espanya ang dumaong sa baybayin sa Sentral sa Cebu na ang lugar na ito pinamumunuan ng isang Rajah na si Humabon at Reyna na si Juana. Tatlo ang layunin ng mga kastila ng dumaong sila sa Cebu. Una, ang pakikipagkalakaran, pangalawa, upang saklawin o sakupin ang teritoryo at ang pangatlo ang ipalaganap ang Kristiyanismo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 54,691 total reads

 54,691 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 93,280 total reads

 93,280 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 127,408 total reads

 127,408 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 183,814 total reads

 183,814 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 320,731 total reads

 320,731 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 426,816 total reads

 426,816 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top