500-milyong pisong pondo, hangad ng Expanded Alay Kapwa fund campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,835 total views

Layunin ng Caritas Philippines na paigtingin ang diwa ng pagtutulungan sa inilunsad na Expanded Alay Kapwa Fund campaign.

Ayon kay Caritas Philippines consultant at Expanded Alay Kapwa program head Fr. Tito Caluag, anuman ang katayuan sa buhay ng isang indibidwal ay maaari pa ring makibahagi sa isinusulong na adhikain para sa mga higit na nangangailangan.

Balak ng social, development, at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makalikha ng P500-milyon o higit pa bilang pondo sa mga programa ng institusyon.

“Ang kagandahan nito kasi is lahat sama-sama, mayaman o mahirap, bahagi tayo ng Alay Kapwa Extended [Fund Campaign], pantay-pantay. At saka ang isa rin naming nakita na ito rin ay pagkakataon na in a very crowdfunding type of way ay ma-lessen natin ‘yung gap ng mga mayayaman at mahihirap sa ating bansa. Kasi alam naman natin na napakalaki ng gap. So, hopefully, ‘yung mas may kaya mas tutugon ng mas malaki.” bahagi ng pahayag ni Fr. Caluag.

Umaasa ang Caritas Philippines na sa taong 2025 ay makakahikayat sila ng isang milyong donor na magbabahagi ng hindi bababa sa P500 bawat taon.

Sinabi ni Fr. Caluag na ang fund campaign ay paraan lamang upang maisakatuparan ang bawat layunin ng 7 Alay Kapwa programs ng Caritas Philippines sa pagtugon sa kalamidad; kalusugan, edukasyon; pangkabuhayan; kalikasan; katarungang panlipunan at kapayaapan; at kasanayan.

“I think it’s very important to remember that fund raising is only the means to fulfill the missions. The mission is to make the Philippine Church a church with and for the poor, iyon ho ang pinakamahalaga sa lahat.” dagdag ni Fr. Caluag.

Unang inilunsad ang Alay Kapwa taong 1975 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang paigtingin ang kamalayan ng lipunan hinggil sa kalagayan ng mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 23,838 total views

 23,838 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 59,628 total views

 59,628 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 101,520 total views

 101,520 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 154,888 total views

 154,888 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 180,134 total views

 180,134 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top