Highest Audit rating, nakamit ng PAG-IBIG fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,930 total views

Muling nakamit ng Pag-IBIG Fund ang highest audit rating ng Commission on Audit.

Ito na ang ika – 11 magkakasunod na taon na pagkilala ng COA sa ahensya bilang unmodified opinion dahil sa maayos na financial statements na isinumite para sa taong 2021 at 2022.

Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na ang pagkilala ng COA ay patunay sa integridad at maayos na pamamahala sa kontribusyon ng 15-milyong miyembro ng institusyon.

“Earning the highest opinion from COA for the 11th consecutive year is yet another proof that Pag-IBIG Fund has been, and continues to be, managed properly. This is a testament to how Pag-IBIG Fund upholds excellence and integrity in managing their funds,” bahagi ng pahayag ni Acuzar.

Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, ito rin ay naaayon sa performance ng ahensya sa magkakasunod na taon kung saan naitatala ang mataas na kita at koleksyon.
Inihayag ni Acosta na noong 2022 ay kumita ang Pag-IBIG Fund ng P44.50 billion, umabot sa mahigit 100 bilyong piso ang home loan takeout na pinakinabangan ng 105-libong kasapi habang P53.76 billion na short-term loans na nakatulong sa halos tatlong milyong Pilipino.

Batay sa kasaysayan 2012 hanggang 2017 ng ginawaran ng COA ng unqualified opinions ang ahensya habang unmodified opinion naman mula 2018 hanggang 2022.

Ito ang dalawang pinakamataas na rating na ibinibigay ng state auditors sa mga ahensya ng gobyerno o korporasyong may maayos na financial statements.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 49,173 total views

 49,173 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 77,178 total views

 77,178 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 94,978 total views

 94,978 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 92,867 total views

 92,867 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 201,592 total views

 201,592 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top